Bad Girl

66.5K 1.9K 114
                                    

6

Nagising ako ng umagang iyon na maga ang mata. I never cried myself into sleep, kahit noong mga panahong sumama ang loob ko kay Tatay dahil nadisappoint siya sa akin ay hindi ako umiyak. Ngayon lang ako umiyak ng todo. And it is because of the skater boy. Nakakainis talaga siya.

I should not feel this way. Lalo pa ngayong may nobya na siya. And they really look good together. Isang abnoy at isang malandi, a great tandem hindi ba? Gosh! I sound so bitter. Pero wala akong magawa, mas pipiliin ko na lang ang magalit kesa sa umiyak. Palaging sinasabi ni Nanay na Montreal ako, and no one is worthy of my tears, unless it is our the one. Katulad na lamang ni Kuya, ilang beses niyang iniyakan si Ate Tori at si Tatay kay Nanay. Ang luha ko ay dapat ko lamang isuko sa taong mamahalin ko ng todo.

Maybe this is the right thing to do. Mapipigilan ko pa naman siguro ang tuluyan kong pagkahulog kay Augustine hindi ba? This is just a puppy love, katulad ng naramdaman ko kay Greg. Mabubura din ito hindi ba? The guy is annoying. Wala siyang kahit na anong katangian na nasa listahan ko ng perpektong lalaki. I can still manage to stop these feelings, right?

Tumayo na ako at agad nang naghilamos. May training ako ngayon at mas lalo lang sumama ang masama ko ng araw. Charles Evvery is someone I will never look forward meeting. Kahit pa siya na ang coach ko ay naiirita lamang ako. Mayabang siya at antipatiko. Baka lalo lamang akong matalo sa tournament ko kung palagi lang akong mahihigh blood sa mga lalaki sa paligid ko.

Kinuha ko lamang ang gamit ko at palabas na ako ng gate ng makita ko si August na nakatayo sa harapan ng bahay. Kimi akong ngumiti at binalik naman niya iyon. Kaswal siyang naglakad,nakapamulsa habang parang modelo na inirarampa ang puti niyang shirt. Ngumiti siya sa akin at nakita ko na naman ang dimple niya. Awtomatikong nagwala ang mga tutubi ko sa tyan at hindi na naman ako makahinga ng maayos. Nanuyo ang lalamunan ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Morning." Bati niya sa akin. Tumango lamang ako at inabala ang sarili ko sa paglolock ng gate para hindi ko siya matingnan.

"Aalis ka?" aniya. Ipinasok ko ang susi sa bag bago siya hinarap.

"Oo. Training." Sagot ko. Ngumuso lamang siya at tiningnan ang loob ng bahay ko. Hinintay ko kung may sasabihin siya pero nanatili lamang siyang tahimik.

"Ah.." sabi niya pagkatapos ng ilang sandali. Maya maya ay nagkamot siya ng batok. Ilang beses niya akong tiningnan bago siya ngumuso.

"May kailangan ka ba August? Aalis kasi ako." Masungit kong sabi. Pinalobo niya ang pisngi niya bago tumawa.

"Ano kasi..naubusan ako ng gas. Pwedeng makiluto?" Tuloy tuloy niyang sabi. Napanganga na lamang ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay habang siya ay ngumiti lamang. Umirap ako at muling binuksan ang gate ko bago pumasok.

"Ano bang iluluto mo?" tanong ko habang naglalakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.

"Ulam. Magpipicnic kasi kami ni Laurent. Diyan lang naman sa park." Aniya. Napahinto ako sa narinig. Ramdam ko ang pagkamatay ng mga tutubi ko sa tyan dala na rin ng pagkadismaya. So may date kayo huh? Picnic pa? Ang init init ng araw, magpipicnic kayo? Masunog sana kayo sa araw! O kaya sana bumagyao para masira ang plano mo! Bwisit! Bakit kapag tayo ang lumalabas ay hanggang mall lang tayo! Ang masama ay ako pa ang nanlilibre sayo habang kay Laurent ay todong effort ka sa pagluluto.

Pabalibag kong ibinaba ang gamit ko at dumiretsyo sa kusina. Rinig ko pa ang kalabog ng mga arrow na nalaglag sa sahig pero wala akong pakialam. Mabilis kong hinarap si August at pinameywangan.

"Ang init ng ulo mo ngayon. Meron ka?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko lamang ang mga gagamitin niya at inilagay sa lababo. Bawat lapag ko ay rinig ang bawat bagsak ng mga gamit.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora