The Dragon's Princess

61.5K 1.9K 98
                                    

28


I always know that I am special. My Dad always makes me feel that I am his princess, that I deserve nothing but the best, I deserve nothing least. Iyon lagi ang itinatak ko sa aking sarili.


But then, he also told me that there is always a certain someone who will break your beliefs. Iyon daw ang sumpa sa isang Montreal. Kapag nahanap mo na ang taong magpapabago sa paniniwala mo, ibig sabihin noon ay wala ka ng kawala. You have found your one.


A Montreal falls in love only once. Isang beses lamang ang pagkakataon na pinanghahawakan namin para magmahal. That is our absolute rule. Mahirap para sa amin ang isuko ang kaisa isang kahinaan namin—our heart—because it makes us vulnerable. It makes us less perfect.


But I rather choose imperfection than losing him. Kung may isang bagay man akong sigurado, iyon ay ang katotohanan na naiwala ko na ang kaisa isang pagkakataon ko para magmahal. I am no longer the keeper of my heart.


Sumandal ako ng maayos sa aking upuan habang pinapanood ang isang noontime show. Tinititigan ko si Augustine na hindi nakikinig sa host. Naroon siya sa may gilid at pinaglalaruan iyong pulang kotse. Pinapadaan niya iyon sa likod ni Iñigo kaya mag aaway ang dalawa. Magsasakitan sila at matatamaan na ang ibang AEGGIS na nasa set.


Napabuntong hininga ako habang tinitingnan si August na kumilos na parang bata. Paano na lamang kung magkakaanak kaming dalawa? Baka agawan niya pa ang bata ng laruan kung sakali.


Napayakap ako sa librong binabasa ko habang nakatingin kay Augustine. Nagkaroon ng commercial break kaya pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng kwento ni America at Maxon. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang naiisip na parang kaming dalawa lamang ni August iyon.


Bigla akong nilingon ni August bago siya napangiti na lamang. Kaagad naman akong pinamulahan ng pisngi sa ginawa niyang iyon.


"Si Iñigo na lang at si August ang hindi kasal. When are you planning to get married boys?" tanong noong host. Ngumuso lamang si August bago ako muling tiningnan.


"I am already married Miss. Ayun ang asawa ko." Sagot ni Kuya Iñigo bago tinuro si Iris na nasa may gilid lamang ng stage. Lihim akong napangiti habang si Iris naman ay pulang pula na ang pisngi.

"I am also getting married." Sagot ni August habang nakataas pa ang kamay. Bigla akong napatingin sa kanya. Nanlisik ang mata ko at agad na kumulo ang dugo ko. Pabagsak kong isinara ang libro habang si August ay parang bata na naglalaro pa rin ng kotse.


"Sayang naman. Sana ako na lang yung girl." Narinig kong bulong ng isang fan nila. Nilingon ko iyon at tinitigan ng masama.


"Asa ka pa Miss." Masungit kong sabi. Napanganga lamang ito at inirapan lamang ako. Gusto ko sanang tumayo para sungitan pa siya lalo noong marinig ko ang gitara ni Athan.


Nakaupo na si Augustine sa isang stool habang katabi si Kuya A. Nakangisi na naman siya, yiong dimple niya ay nakalitaw na naman.


Naramdaman ko na naman ang pamilyar na tutubi sa aking dibdib. Napapikit ako as I felt that feeling of fulfillment.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now