WAKAS

76K 1.9K 85
                                    

WAKAS


Alam kong bitin. May epilogue pa.

Love you Penders :)

Salamuch! Mwaah!

WALANG MAKAKAPIGIL SA ATIN!

-----------------------


'There's a shop down the street
Where they sell plastic rings
Not like gold in your dreams
But I hope you'll still wear it'

Huminga ako ng malalim. Si Nanay ay patuloy lamang sa pagtitirintas ng buhok ko habang sina Ate Toryang at Ate Avvi ang nag aayos ng susuotin ko. Hindi ko na mapigilan ang palaging pagbuga ng hangin.


Kinakabahan ako.


Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Bahagya kong ikiniling ang ulo ko sa kaliwa habang si Nanay ay inipit ang isang braid sa ilalim ng isa pang braid. Inipon niya iyon sa kanang parte ng ulo ko habang nilalaglag ang ilang piraso ng buhok ko sa paligid ng aking mukha. Noong matapos si Nanay ay pinatayo niya ako at tinitigan.


"I'm very happy for you sweetheart." Aniya. Bahagya siyang ngumiti, iyong mata niya ay nagkaroon na ng luha.


"Nanay, walang iiyak." Natatawang tawag ni Ate Toryang dito. Mabilis na tumango si Nanay at pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang mata.


"Of course. Of course." Napipilitang sabi ni Nanay. Inayos niyang muli ang aking buhok bago ikinabit ang belo sa aking ulo.  Hindi nito natabunan ang mukha ko at hanggang bewang ko lamang ang haba nito. Puno iyon ng perlas at at mga bulaklak na kumikinang.

'There's no guarantee that this will be easy
It's not a miracle you need believe me
Yeah, I'm no angel, I'm just me
But I will love you endlessly'

Tube ang design ng gown ko. May manipis na lace para magsilbing manggas na hanggang siko. Katulad ng belo ko ay may maliliit na perlas iyon at bulaklak. Hapit ang tube sa aking katawan, habang ang skirt naman nito ay parang bulaklak na namumukadkad. Malambot ang tela, nito, kulot kulot at parang kinumpol para magmukhang rosas.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin, hindi pa rin makapaniwalang ngayon na ang kasal namin ni Augustine. Totoo nga ang kasabihan na sa hinaba haba ng prusisyon, dito rin pala ang tuloy naming dalawa.


Pinadaan ko ang kamay ko sa aking gown. The skirt is too soft; the designs too intricate, I could swear I never felt something beautiful like this before. Noong tumingala akong muli ay nakatingin si Nanay sa akin at tuluyan ng umiiyak.


"I called your father. Umiiyak din siya Shana Maria." Pagsusumbong ni Nanay. Natawa na lamang ako at lumapit sa kanya bago siya niyakap.

"Salamat po Nay." Bulong ko sa kanya. Humiwalay ako kay Nanay noong marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking suite. Pumasok roon si Tatay habang nasa likuran niya si Kuya.

"Alien.." bati ni Kuya sa akin, may bahid ng pagkamangha ang tingin sa akin. Nagpose ako para sa kanya bago siya niyakap ng mahigpit.


Niyakap niya ako at binaon ang mukha sa aking leeg. "Shannie." Aniya bago suminghot. Noong nilingon ko si Tatay ay nakasandal lamang siya sa pader, pulang pula ang mata habang nakatingin sa aming magkapatid. Lumapit sa kanya si Nanay at sumandal sa kanyang balikat.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now