11

107 18 1
                                    

"Hello! Earth to London!" I snap back to reality when I heard Ambriel calling my name. 



"Ayos ka lang ba talaga, London?" aniya sabay kapa sa noo ko. "Wala ka namang sakit. Ano bang nangyayari sa 'yo? Kanina pa kita tinatawag diyan pero nakatulala ka lang sa libro mo." Andito kami ngayon sa library, kakatapos lang ng klase namin pero mas pinili namin na manatili na lang muna dito kesa umuwi agad.



"Huh? Ah..ano, kasi.. wala.." paano mo nga naman sasabihin sa kaibigan mo na ang babaeng nililigawan ng kapatid niya eh nakita mong may kahalikang ibang lalaki kanina.



She eyed me suspiciously. "Spill it, London. Alam kong may gumugulo diyan sa isip mo" aniya.



"Ahm, kasi ano...si Aidan ba..ano.." paano ko ba itatanong na hindi siya makakahalata.



"Aidan? What about him? Wait, may ginawa ba siya sa 'yo kaya ka nagkakaganyan?" sunod-sunod niyang tanong.



"No! No! Wala..."



"Kung wala naman pala, bakit ka nagtatanong ng tungkol sa kapatid ko?"



"Ano, kasi si Aidan ba..nanliligaw pa din kay Danaya?" pigil-hininga kong tanong. Shit! Tama bang tinanong ko pa sa kanya 'to? Baka mamaya kung anong isipin niya.



"At kelan ka pa naging concern sa status ng dalawang yun?" aniya habang nakakrus ang mga braso, para bang iniimbestigahan ako.



"Wala, ano..naisip ko lang bigla..oo yun..kasi di ba ang tagal na ata nanliligaw ng kapatid mo sa kanya?" sige London, ayusin mo 'yang pagpapalusot mo diyan.



"Matagal na pala? Hindi ko napansin. Well, as for your question, hindi ko alam kung anong estado ng relasyon ng dalawang 'yon dahil hindi ko naman naitatanong yun sa kapatid ko" sabi pa niya at muling bumalik sa pagsusulat habang napatango na lang ako.



"Ikaw ba, Ambriel, boto ka kay Danaya para sa kapatid mo?" nakita ko pang napahinto siya sa pagsusulat, at seryosong bumaling sa akin.



"What's with all these questions about them? May gusto ka bang sabihin sa 'kin, London?" agarang tanong niya na kinataranta ko. 



"Naku, wala ah.. curious lang naman ako...kasi ano..di ba hindi pa kasi natin 'to napag-uusapan..ayun hehe" dapat kasi tinikom ko nalang 'tong bibig ko eh! 

HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now