26

114 19 6
                                    


HINDI ko alam kung paanong lumipas ang isang buwan ng ganun kabilis. Ang alam ko lang, simula nang naging usapan namin na yun sa banyo  ni Danaya, iniwasan ko ng magkrus ang landas namin ni Aidan.



Yes. Isang buwan ko na siyang hindi nakikita. Kahit pareho pa kami ng school at minsan na napapasama siya samin, nagagawan ko ng paraan na hindi kami magkita. Halos maubusan na nga ako ng dahilan sa kanila kung bakit hindi ako nakakasama sa kanila.



Buti na lang din hindi na ako kinukulit ni Ambriel. Alam niya din siguro ang gusto kong mangyari, at yun ay ang iwasan ang kapatid niya.



"London, are you still with me?" napatingin naman ako kay Ambriel. Nasa library kami ngayon para sa isang project.



"Sorry. You were saying?"



Tamad niyang binaba ang binabasang libro at tumingin sa 'kin. "Seriously, what is wrong with you? You've been acting strange, for weeks. May problema ka ba?"



Sunod-sunod akong napalunok. "Wala naman...pasensya na"



"Come on, London. Sa akin ka pa talaga magtatago? Akala mo ba hindi ko alam na bumabagsak ka sa ibang mga quizzes at exams natin?" She's right. I've been having some difficulties, lately. "I just don't want to add to your stress. I was thinking baka napressure ka lang kasi maraming ginagawa. But, you've been distracted at hindi ko maintindihan kung bakit"



"Wala lang talaga 'to, Ambriel. Medyo nastress nga ako sa mga gagawin natin. Hindi ko kasi alam kung anong uunahin eh" I subtly bit my lip, hoping na maniwala na lang siya sa sinabi ko.



Bumuntong-hininga na lang siya. "Fine. Kung hindi ka pa handang magkwento, I'll respect that. I'm sorry that I nagged. I'm just worried about you. At yung mga bagsak mo nung nakaraan, I just can't take that lightly" 



Naiintindihan ko kung bakit siya nag-aalala. I've been failing and that would be a big bad news kapag nalaman na naman 'to ng parents ko. They always want me to be on top. They even want me to beat Ambriel, academically. Pero paano ko naman gagawin yun, sa ganitong sitwasyon?



"You know what, gawin na lang natin 'to bukas sa inyo. I think it would be better kung umuwi ka na lang ng maaga para naman makapagpahinga ka"aniya habang nililigpit ang kanyang mga gamit.



"Ambriel, okay lang naman--"


HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now