16

108 18 2
                                    


AMBRIEL


"Aidan, wait!" I tried to fasten my pace para maabutan ko siya pero kahit anong tawag ko, hindi pa rin siya humihinto. Trip niya ata magbingi-bingihan ngayon. Tinakbo ko naman agad ang agwat namin para lang maabutan siya at agad na hinatak ang pulsuhan niya paharap sa 'kin. "Kuya, sandali nga!" 



Kitang-kita ko sa mga mata niya ang inis sa ginawa kong 'yon. "What?!" 



"Kanina pa kita tinatawag, bakit parang wala ka man lang naririnig?!" may inis ko ding tanong sa kanya.



"Ano ba kasi 'yon? Kung magagalit ka sa 'kin dahil sinabi 'kong yun sa Tristan na 'yon, save it. Nasabi ko na , wala ka ng magagawa" sabi pa niya.



Mas lalo naman kumunot ang noo ko sa tinuran niya. "Bakit ka ba nagkakaganyan?" natanong ko nalang sa kanya. "Do you really have to say it that way? Kung concern ka kay London--"



"--No, I'm not.." putol niya naman agad sa sasabihin ko at bahagya pang natawa. "Look Ambriel, I said that because of you. I witnessed how restless you were last night trying to look for them...pati nga si JC diba, inutusan mo?" aniya. "So just to clarify, I didn't say that dahil concern ako kay London, okay?"



"Talaga? Wala kang pakialam kay London, kahit konti?" I asked him at nakita kong napaiwas agad siya ng tingin. "You know what Kuya, kung meron mang pwedeng magsabi ng mga pinagsasabi mo kanina, ako lang 'yon... kasi ako naman yung naabala eh, di ba? Hindi naman ikaw. Isa pa, how you said it sounded so rude. You could've told Tristan that... in a nicer way."



Agad namang nagsalubong ang kilay niya. "Anong gusto mo, magpa cute ako?"



"I said nicer kuya, not cute. Sa tono kasi ng pananalita mo parang may iba kang pinapahiwatig eh. Ang lumalabas tuloy, napahiya sila" sabi ko pa.



"At ano naman 'yon? Alam mo ikaw, kung anu-ano na lang ang pumapasok diyan sa utak mo--"



"--Parang lumalabas kasi kanina eh naiinis ka na malaman mo na hindi niya inuwi si London, na buong gabi silang magkasama.." walang preno kong sabi sa kanya.



He scoffed at what I said. "W-what? Ano ba 'yang pinagsasabi mo diyan? Nahihibang ka na ba talaga?"




"Tinanong mo 'ko kaya sinagot lang din kita"




"You're out of your mind, Ambriel. Really? Pag-iisipan mo 'ko ng ganyan? Eh alam mo naman na kami na ni Danaya" paliwanag niya pa. "Alam mo noon pa lang na siya lang ang gusto ko--"

HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now