6

156 21 7
                                    

Inaamin ko na medyo naninibago ako sa mga kinikilos ni Tristan. Ewan ko ba, hindi ako assuming na tao pero mas lalong hindi naman ako manhid. Sanay na ako sa mga hirit niya na kahit kailan ay hindi ko naman sineryoso dahil alam ko naman na nagbibiro lang siya pero hindi ko alam ngayon kung ano  na ang biro at kung ano ang totoo sa kanya.



"Kamusta naman ang naging lakad ninyo ni Tristan kahapon?" biglang tanong ni Ambriel. Andito ako ngayon sa bahay nila para gawin ang project namin, pasahan na kasi nito bukas.



"Okay naman.." simpleng sagot ko sa kanya



"Okay as in what?"



"As in ayos lang.. ano bang ineexpect mo?" nagtataka ko pang sagot sa kanya



Kumibit-balikat lang siya. "We got invited to the party."



My forehead creased with what she said. "Party? Anong party?" May event ba kami na nakalimutan ko?



"The party for Tristan's parents.. invited din ang family namin do'n." Napatanga naman ako sa sinabi niyang yon.



"What? S-so pupunta kayong lahat.. kayong lahat ng pamilya mo?" Shit!



"It's not actually just us, London...kahit yung mga iba pa nating kaibigan, imbitado rin sila." Pagbubunyag niya pa.



Nanghihina kong nabitawan ang hawak kong ballpen. "Wait, hindi ka ba sinabihan ni Tristan? Siya ang nag-imbita sa aming lahat.." Dugtong niya pa.



"No..bwisit!" Hindi ko mapigilang ibulalas. "Wala 'to sa usapan eh!"



"Ano bang kinakatakot mo diyan?"



"Malalaman ng iba na girlfriend ako ni Tristan ng gabing yun, hindi pwede yon." Paliwanag ko pa sa kanya.



Tumigil naman siya sa ginagawa at nilingon ang direksyon ko. "Bakit naman hindi pwede?" Seryoso niyang tanong. Bakit nga ba? "May magagalit ba kung sakaling malaman nila na girlfriend ka ni Tristan?"



"Eh k-kasi...kasi hindi naman talaga totoo yun. Alam mo naman na nagpapanggap lang kami di ba?" Depensa ko pa. Kung dati nga na wala naman kaming pakialam sa mga panunukso nila, hindi pa rin  nila kami tinigilan. Ano pa yung malaman nila na kami?!



"Eh di sabihin niyo sa kanila na nagpapanggap lang naman talaga kayo, ano bang problema do'n? Hindi mo naman ikamamatay kung maging girlfriend ka niya kahit isang gabi lang." Aniya. "Isa pa, kahit maging totoo man ang pagpapanggap niyo na yan, wala naman problema."



"Anong ibig mong sabihin?"



Natawa naman siya bahagya nang makita na naguguluhan ako. "Ang ibig kong sabihin kung maging kayo man ni Tristan sa totoong buhay, wala naman masama do'n. Tristan's a good guy and he's been with us for a long time." Aniya



"Kelan ka pa naging concern sa mga ganyan? Isa pa, bakit parang ngayon ata eh boto ka na sa kanya?" Natatawa ko pang tanong sa kanya.



"Never naman akong hindi naging boto sa kanya. Sadyang hindi lang ako nakikisali sa mga panunukso nila sa inyo pero hindi ibig sabihin na hindi ko siya gusto para sayo." This is new, kahit kailan hindi nagbibigay ng opinyon si Ambriel tungkol sa amin ni Tristan. "Okay na yung si Tristan kesa naman kung sino na hindi naman natin lubos na kilala tapos ang ending, sasaktan ka lang."



HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now