18

113 19 3
                                    


"London!" napatingin naman agad ako sa kung sinong tumawag sa 'kin. I saw our friends, with worried faces, rushing towards me. After the incident, Aidan took to the infirmary. Unlike kanina medyo maayos na ang itsura ko. Hindi ko alam kung saan galing ang damit na pinampalit ko pero bigla na lang may nag-abot no'n sa kanya.



"Oh my god, are you okay?" agad na tanong sa 'kin ni Sugar nang makalapit sila sa kinaroroonan namin.



"Ayos lang ako" I tried to force a smile. Ang katunayan medyo mahapdi pa din ang pisngi ko dahil sa ginawang pagsampal sa 'kin nung Margarette na 'yon. Nakadalawa din siya ha! 



"Liar.." napatingin naman ako kay Ambriel na matiim lang nakatingin sa 'min. "Sa pula niyang pisngi mo, nakuha mo pa talagang sabihin na ayos ka lang?" seryosong sabi niya. Lihim ko naman na nakurot ang sarili ko.



"Ayos lang naman talaga 'ko...kung ikukumpara kanina" mahinang sagot ko sa kanya.




"Ano ba kasing nangyari? At sino ang walang hiyang gumawa nito sa kanya?" sunod-sunod na tanong ni Kenneth kay Aidan, na ngayon ay nasa tabi ko lang din, tahimik. Sasagot na sana siya nang may biglang may humawi sa kanya dahilan para mapalayo siya  sa 'kin.



"Thank God, you're okay" maging ako nagulat sa biglang yakap na 'yon ni Tristan, ni hindi ko nga namalayan ang pagdating niya eh. Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin at matiim na tiningnan ang aking mukha, nakita ko kung paano namuo ang galit sa mga mata niya nang makita niya ang namumula kong pisngi.



"Ayos lang ako, hindi naman malala yung nangyari sa 'kin eh" I assured him, mahirap na baka mamaya kung anong maisip niyang gawin.



"Tch!" napalingon naman kami kay Aidan na para bang natatawa sa sinabi 'kong yun.



"Thank you for saving my girlfriend" ewan ko pero baka ako lang ang nakapansin na binigyang diin yun ni Tristan.



"Wala 'yon--..."



"---Ehem! So, pwede ko na bang malaman yung sagot do'n sa tanong ko kanina?"  pabirong tanong ni Kenneth.



Aidan took a deep breath before he started telling them what happened. "Naabutan ko na lang siya na pinagtutulungan ng tatlong babae do'n sa cr ng girls kanina..."kwento niya pa.



"Bakit naman nila gagawin yon? May atraso ka ba sa kanila, London?" tanong pa sa 'kin ni Sugar. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, I don't want Tristan to blame himself for what happened to me.

HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon