23

145 16 4
                                    



PARA akong sinikmuraan nang marinig ko ang mga katagang 'yon mula sa kanya. Who am I fooling? I really thought, for a moment, we had something special. Pero hanggang sa pagtulog, hindi siya maging akin.



Ramdam ko ang malalim na paghinga niya na tumatama sa aking leeg. Lalo pa siyang nagsumiksik sa akin habang yakap-yakap ako. Tulala lamang akong nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto, na para bang may makukuha akong kasagutan sa pagtitig ko roon.



Kinagat ko ang aking mga labi upang hindi niya marinig ang aking paghikbi. Ang sakit. Kasing bilis ng sayang naramdaman ko sa piling niya ay siyang sing bilis ng pag-agos ng aking mga luha. Habang ako ang yakap at kapiling niya, iba ang bukambibig ng kanyang puso.



Dahan-dahan kong inalis ang pagka yakap niya sa 'kin. Napaigik ako nang sinubukan kong gumalaw, I'm still sore. Binalewala ko ang sakit na yun. Gusto ko na lamang na makaalis rito. Dali-dali kong sinuot ang aking mga damit. Nilingon ko pa siya ng isang beses bago siya tuluyang iniwan sa kanyang silid. 



Nanghihina akong naglakad paalis sa lugar na 'yon. Hindi ko sigurado kung tama ba ang tinatahak kong daan. Mas lalong naging mahirap ang paghahanap ko sa daan nang matakpan ng luha ang aking paningin. 



Napansandal pa ako sa isang malapit na puno. Doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. This is it. This is the wake up call I've been waiting. Isang malaking sampal sa akin at sa pagkatao ang nangyari kanina.



What happened to you, London?



Iyon ang tanong ko sa aking sarili. My love for Aidan broke me, always. Napatingin naman ako sa phone ko nang bigla itong nag ring. I looked at the caller's name at mas lalong napaiyak. Mabilis ko itong sinagot.



"Bridgette, where the hell are you? Kanina ka pa namin hinahanap nila Ambriel"  bakas ang pag-aala sa boses ni Tristan.



"P-pwede mo ba akong sunduin d-dito? Please, huwag mong sabihin kahit kanino lalo na kay Ambriel" nahihirapan akong magsalita. Kanina pa ako umiiyak, hindi na ako makahinga ng maayos.



Narinig ko pa ang pagmamadali niya mula sa kabilang linya "Are you fucking crying? Nasaan ka? I'll come to you" sinabi ko naman agad kung nasaan ako. 



Pinili kong kalmahin ang aking sarili nang matapos ang pag-uusap namin. I need to calm myself bago pa man siya dumating rito. Pero hindi ko magawa. Patuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha kasabay ng biglang pagbuhos ng ulan.



Mapait akong napangiti habang nakatingala sa madilim na kalangitan "I guess, you can feel me as well" basang-basa na ako pero wala akong planong umalis sa ilalim ng puno. Wala din naman akong masisilungang iba.

HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now