20

152 14 3
                                    

"HELLO, EARTH TO LONDON!" napabalik naman agad ako sa reyalidad nang marinig ko ang tawag ni Kenneth.



"Sorry, you were saying?"



"Gurl, ayos ka lang ba? May sakit ka pa ba?" nag-aalala niya pang tanong.

Bigla namang kinapa ni Sugar ang noo at leeg ko "You're not sick naman. Is there something bothering you, London? tanong nito sa 'kin. "Iniisip mo pa rin ba 'yong sila Margarette? Ako na magsasabi sa 'yo na wala ka ng dapat pang problemahin sa mga 'yon, Ambriel took care of everything."



Napakunot naman  ang noo ko sa sinabi niya "Wait, what do you mean by  'Ambriel took care of everything'? tumingin naman ako kay Ambriel na tahimik lang na nagbabasa ng libro "What did you do?"



Saglit naman siyang tumingin sa 'kin "Nothing"



But I'm not buying it "I'm asking you Ambriel, anong ginawa mo?" 



Binaba niya ang librong binabasa as she sighed in defeat "Fine, I taught them a lesson.."



"What lesson are you talking about?"



"I got them expelled from Bradford" walang kaabug-abog niyang sabi. She made it sound like it was piece of cake. Sabagay, sila naman ang may-ari ng school pero..



"You did what?! Ambriel, are you for real? Bakit mo naman ginawa yon?" I know that what they did was really way below the belt but expulsion?!



"They should be thankful na yun lang ginawa ko--"



"-pabalikin mo sila.." putol ko pa sa sinabi niya.



"Ibabalik ko naman ang sinabi mo sa 'kin kanina. London, are you for real? After what those witches did to you, gusto mo pa silang pabalikin ng Bradford?" 



Sumabat naman si Kenneth "Oo nga naman, London. Masyado naman kasi talagang malala ang ginawa nila sa 'yo. Mabuti na nga lang andon si Aidan--"



"--regardless, pwede mo naman silang parusahan sa ibang paraan eh pero don't you think expulsion was a bit too much? Guys, expulsion yun!" sabi ko pa sa kanila



"At yung ginawa nila sayo, hindi mo ba rin maituturing yun na 'a bit too much'? Alam kong mabait ka pero hindi ako nainform na tanga ka rin pala" walang prenong sabi ni Ambriel. Ouch ha! "Pag pinabalik mo ang mga yun dito, hindi ka makakasiguro kung anong pwede nilang gawin sa 'yo."



"Hindi na nila uulitin yun.."



"How sure are you naman, London? Nagkausap ba kayo? Did they tell you na hindi na sila uulit? Ni hindi nga sila nag-sorry man lang no! Alam mo naman na sobrang baliw yung si Margarette sa jowa mo kaya hindi talaga malabo yung sinasabi ni Ambriel, baka talagang gawan ka na naman nila ng masama" dagdag pa ni Sugar.



"Matatakot na silang umulit lalo pa't alam nilang pwede silang mapaalis ng Bradford ulit. Do you think they will risk it? Lalo pa't alam nila kung anong pwedeng mangyari sa kanila kapag ginawan nila ako ulit ng masama?" 



Saglit pa kaming nabalot ng katahimikan bago magsalita ulit si Ambriel "Fine, papabalikin ko sila."



I smiled at her "Thank you.."



Napailing naman siya sa 'kin "You, having a good heart, will be the reason that you'll get yourself broken" sabi pa nito sa 'kin. Siguro nga.



"Ay malabo 'yan sizt, going strong kaya sila ni papa Tristan" sabat pa ni Kenneth.



"Hay naku, tigilan niyo na nga yang mga broken na topic. Pag-usapan na natin yung kanina ulit.." sabat naman ni Sugar. Ano nga ba yun?



"We were talking about the event this coming Saturday" nangunot naman ang noo ko.



"Event? Anong event? Wala naman akong natatandaang may event sa school sa Sabado ah" Did I miss anything?



"Hindi ka talaga nakikinig, birthday ni Aidan sa Sabado and Ambriel here, is asking us to help her with the preparation. Gusto niya daw kasi may pasurprise party para sa kuya niya" paliwanag pa ni Kenneth.



"Hindi mo ba pwedeng iutos sa butler mo 'yan? Wala din bang plano yung parents mo sa party ng kapatid mo?" I asked Ambriel. Bakit naman kasi kami pa? Hindi nga kami okay na dalawa tapos magpaplano pa 'ko para sa birthday niya.



"I volunteered na ako na lang bahala since masyadong busy si JC ngayon habang sila mommy naman nasa Spain pa, kaya ako na lang ang maghahanda. Hindi ko naman kayo pipilitin eh, I was just asking for suggestions kung anong pwedeng gawin since I never organized a party before"



"Ano ka ba tih, ayos lang yun no! I love parties kaya tutulungan kita diyan, diba guys?" Kenneth turned to us waiting for an answer and wala na akong nagawa kung hindi tumango. Goodbye sa plano kong iwasan siya, magiging mahirap talaga lalo pa't konektado talaga kami sa isa't-isa.



"May naisip ka na ba, Kenneth?" tanong pa ni Sugar.



"Well, I was thinking.." naubos ang oras namin sa kakaplano para sa birthday party ni Aidan, ni hindi ko nga alam na birthday niya pala. Tch! "Ganun yung naisip ko since sabi mo nga tayo-tayo lang naman, mas okay na sa bahay niyo na lang natin ganapin para hindi na din tayo magrent pa ng venue. Alam ko naman na afford niyo yun dahil madatung kayo, kaya lang sa sobrang konti ng bisita na pupunta parang feeling hindi naman natin maeenjoy yun since malaki ang venue. What do you think, Ambriel?"



Napatango naman si Ambriel sa kanya "Hmm.. I agree. Sige, I'll contact some people later na pwedeng makatulong sa pagsesetup this Saturday"



"Wait Ambriel, paano pa siya magiging surprise para sa kapatid mo eh kung makikita niya yung set up sa bahay niyo?" Sugar asked. Oo nga noh, paniguradong magkaka ideya siya na may hinandang party para sa kanya.



"He won't be able to see it dahil magbabakasyon daw sila ni Danaya and sa Sabado pa ang balik niya. Sinabihan niya na ako kagabi na aalis sila kaya perfect lang yung time para sa preparation" hindi ko na pinansin pa ang sinabing yun ni Ambriel. Wala naman akong mapapala kung magpapaapekto pa ako eh, isang malaking kahibangan lang yun.



"Ano kayang magandang iregalo sa kuya mo? Wala kasi akong maisip, para kasing nasa kanya na ang lahat" Kenneth's right. Ano nga ba naman ang pwedeng iregalo mo sa isang Aidan Dela Costa na hindi niya kayang bilhin para sa sarili niya. "Kung tutuusin mas mayaman pa nga siya kesa sa 'kin. Ang hirap tuloy lalo mag-isip kung anong pwedeng iregalo"



"You don't need to stress yourself that much when it comes to finding the perfect gift. Hindi naman siya mapili sa mga bagay na nireregalo sa kanya. It's still the thought that counts" 



"Bahala na nga, mag-iisip na lang ako ng pwede kong mabigay sa kanya. Sabay tayong bumili London ha?" aya pa ni Sugar.



"Ha? Ah oo..sige" hindi ko mapigilang hindi mapaisip, ano naman kayang ibibigay ko sa kanya para sa birthday niya? At ang mas malupit na tanong, mabibigay ko kaya? Hindi nga kami bati no'n eh!







HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now