10

128 21 5
                                    


Things became busy lately. Sa sobrang busy parang hindi na ako makahinga sa dami ng gagawin. Ganun talaga siguro kapag nasa kolehiyo ka na, parang halos lahat ng bagay kailangan seryosohin mo na. "Kailan nga pala yung submission ng assignment natin sa economics?" andito kami ngayon sa library, as usual. Kung noong high school halos hindi kami mapadpad dito, ngayon parang ito na lang ang sasalba sa naghihingalo naming school works.



"Ang alam ko sa Friday pa pasahan 'non eh" napahilot na lang ako sa akin sentido. Sa dami ng kailangan kong tapusin this week, hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Pahamak din 'tong mga minor subjects namin na feeling major!



"Are you okay, London?" napatingin naman ako kay Ambriel na kanina pa pala ako pinapanood sa pagkabaliw ko.



"Yeah, ang dami lang talaga nating gagawin. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko" sabi ko pa sa kanya.



"Wala ka pa rin bang natatapos kahit isa?" 



"No, meron naman. Kaya lang kasi pakiramdam ko hindi na ata naubos yung mga gawain natin" reklamo ko pa.



"Ganun daw talaga, masyado kasi tayong nasanay na petiks lang tayo n'ong high school kaya ayan, nabigla ata tayo."



"Ikaw ba, Ambriel? Tapos mo na yung papers mo?"



"Almost, yung sa paper na ipapasa sa Friday na lang yung kulang ko" Wow, ba't pa nga ba ako nagtanong eh nakalimutan ko na ata na eto ang pinakamatalino sa buong batch namin n'ong highschool. 



"Do you need help with your paper? Pwede naman kitang tulungan, konti na lang naman ang tatapusin ko sa 'kin" napangiti naman ako sa sinabi niya yun. One thing I really admire about Ambriel is kahit hindi ka humingi ng tulong sa kanya, she will not hesitate to help you.



"Hindi na, kaya ko na yun."



"Sigurado ka?" tumango naman ako. Pagkatapos ng ilang oras na pagpapakadalubhasa namin sa library, nagdesisyon kaming kumain. Ramdam ko na din ang pagkirot ng ugat sa ulo ko sa sobrang dami ng tinatapos ko kanina.



"Yun nga yung sabi ko sayo, hindi naman kita inimbita kaya huwag ka ng sumabat diyan."



"Ewan ko sayo! Ikaw lang 'tong inaasar ako kanina pa!" Hindi pa kami nakakaupo pero bangayan na agad nina Sugar at Creed ang sumalubong sa amin.



"Hay naku, tumahimik na nga kayong dalawa! Sumasakit ang ulo ko sa ingay niyo eh" reklamo pa ni Kenneth.

HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now