27

102 19 3
                                    

TAHIMIK ako habang nakaupo  sa tabi ng pool. My feet were dipped into the water. Tama lang ang lamig ng tubig. Ambriel left after making sure I'm all settled. Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na makausap siya.



She must be upset with me, kasi tinago ko ang tungkol sa kalagayan ko. Wala sa sariling napahawak naman ako sa aking tiyan. Hanggang ngayon, hindi ko aakalaing papalayasin ako nila daddy. Alam kong magagalit sila but being kicked out from our house, I didn't see that coming.



Napaigtad naman ako nang maramdaman ang telang bumalot sa aking balikat. Tumingala ako at nakita si JC. "Baka magkasakit ka niyan.." aniya at naupo sa tabi ko.



"Thanks.." Well, this is awkward. Kilala ko siya bilang butler ni Ambriel pero ni minsan hindi kami nabigyan ng pagkakataon na mag-usap. "Sorry nga pala na pati ikaw nadamay sa problema ko. Hindi mo naman ako kailangan alagaan eh, kaya ko naman. Hayaan mo kakausapin ko si Ambriel--"



"--Are you okay?" natigilan ako sa tanong niya.



Okay nga ba ako? "Oo naman.." sabay pilit na ngumiti.



"They told me that I'm good at reading people's faces. You don't have to pretend to be someone that you're not, Ms. London. No one's judging you here.." aniya



Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata. Mabilis kong pinahid ang mga 'yon, nakakahiya. "Sorry. It must be the pregnancy. It got me so emotional." 



"I know Aidan since we were little. We know each other too well na kahit hindi kami magsalita, alam na namin ang iniisip ng bawat isa. Kapag nag-aaway sila ni Young Lady dati, madalas na sa kanya ako kumakampi. Of course, he's my bestfriend. But with what's happening to you, gusto ko siyang suntukin. I never knew my bestfriend could be such a jerk" aniya. "Hindi ko alam kung meron sa inyo at kung anong kwento mo but..I just want you to know that I'm here, Ms. London. I will take care of you and your baby" JC smiled at me, it was warmest smile anyone has given me. Somehow, it made me feel protected.



"S-salamat, JC.. kahit na hindi naman tayo close, mabait ka pa rin sa 'kin"



"Well, we can work on that. We have a long way to cultivate a friendship between us. I will be a good friend and a godfather to your child" he said then winked at me.



Natawa naman ako.  "Thanks, JC but... can you stop calling me Ms. London? Nakakailang kasi.."



Napakamot naman siya sa kanyang ulo "Sorry, nasanay lang talaga. But if you're really uncomfortable, then I'll just call you...L"



"L? As in letter L?"



"Yeah, masyadong common yung London. I'm sure everyone's calling you that. And para hindi na din masyadong mahaba, I'll just call you L"



Napailing na lang ako. "Whatever you like, JC"



Sandali pa kaming natahimik nang magsalita siyang muli "Ahm.. I don't mean to pry but.. I just wanna ask.. what are your plans now? Hindi mo ba talaga sasabihin kay Aidan ang tungkol sa anak niyo?"



Napaisip naman ako bago ngumiti sa kanya "Ayoko ng makagulo pa lalo. Isang malaking pagkakamali na nga na may nangyari sa 'min, mas lalong gugulo ang lahat kapag nalaman pa nila ang tungkol sa pagbubuntis ko"



"But you're aware that you can't hide this forever, right? In a couple of months, lalaki ang tiyan mo. Imposibleng hindi nila malaman ang tungkol diyan."



HER ONE LAST TRY [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें