5

195 26 10
                                    

It's a Saturday pero imbes na nasa bahay ako, I found myself in a coffee shop waiting for Tristan. Ewan ko  ba sa kanya pero sinabihan niya na lang ako na magkita daw kami ngayon dito.



"Sorry, I'm late. Sobrang traffic kasi dun banda sa'min eh." Umupo naman siya agad sa harap ko.



"Okay lang. Kararating ko lang rin naman. Bakit mo nga pala gustong makipagkita sa'kin?" I asked him as I took a sip on my frappe.



"Naisip ko kasi na since magpapanggap tayo na mag-on sa harap ng mga magulang ko kailangan kahit papano kilala natin ang isa't-isa." Sagot niya pa.


Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Kilala naman talaga natin ang isa't-isa ah."


Ngumiti naman siya habang umiiling. "Yeah I know that. Ang ibig kong sabihin is we have to get to know each other more." Awtomatiko namang napataas ang kilay ko sa sinabi niya.



"Kailangan pa ba talaga natin gawin yun?"



Napanganga naman siya sa sinabi ko. "Grabe, wala ka nga talagang alam pagdating sa pakikipagdate."



Umismid naman ako sa kanya. "Bakit ko naman aalamin ang tungkol sa bagay na yun eh wala naman akong interes na makipagdate kahit kanino." Nakakaloko na 'tong isang 'to ah.


"Okay chill ka lang." At tumawa pa nga. "Hindi naman yun ang pinapalabas ko. Ang akin lang kailangan may alam tayo kahit papano sa isa't-isa para pag nagtanong ang mga magulang ko ng tungkol sa ating dalawa, alam natin ang isasagot natin." Sagot niya pa.



Ang daming arte naman nito.


"Okay, pano natin sisimulan yang "getting to know each other" agenda mo?" Tanong ko pa sa kanya.


"Simple, you just have to tell me things about you. Mas maganda kung hindi mo pa nasasabi sa iba para naman mapaniwala talaga natin sila na, you know, we're an item." Paliwanag niya pa.



Agad naman akong napaisip sa sinabi niya. Ano naman kaya ang pwede kong sabihin sa kanya? "Okay, first hindi ako mahilig sa pusa."



"Takot ka sa mga pusa? Eh ang cute kaya nila."



"Bakit sinabi ko bang hindi sila cute? Hindi ako mahilig kasi nga I'm allergic to them." Bata pa lang ako, iwas na talaga sa mga mababalahibong pusa. Hindi kasi ako makakahinga ng maayos kapag na expose ako sa kanila.

HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon