22

143 20 7
                                    


"W-WHAT? G-gusto mo 'ko?" nauutal ko pang tanong sa kanya. Kailangan kong manigurado kung tama nga ba ang narinig ko. 



"Yeah..." natutuwa niya pang sabi "Bakit parang nakakagulat para sa 'yo yun?"



"Pero paano na lang si Danaya?"



His forehead creased as I mentioned her name. "What about her?"



"Hindi mo ako pwedeng gustuhin, Aidan. May girlfriend ka--"



"--Woah, woah there! Wait, are you saying na akala mo gusto kita..romantically?" aniya na parang tuwang-tuwa pa siya napagtanto.



Right then, gusto ko na lang matunaw sa mismong kinatatayuan ko. Shit! Nakakahiya! 



"So, are you thinking that way?" pangungulit niya pa. Sa sobrang kahihiyan, tinalikuran ko na lang siya at hindi na pinansin. Inabala ko ang sarili sa pagliligpit, ayoko na siyang kausapin pero siya ata 'tong walang balak na tantanan ako. "Hey London, kausapin mo naman ako" aniya pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Bahala siya diyan!



Minuted passed, hindi ko na siya narinig pang nagsalita pero wala rin akong narinig na yabag papalayo kaya naman humarap akong muli sa direksyon niya para makita kung anong ginagawa niya.



There I saw him, sitting in a high chair, enjoying his rum while watching me intently. Mas lalo tuloy akong nailang. "Anong drama 'yan?" If I will describe the feeling of having him around, one word--nakakapanghina. With the kind of stares, he's giving me, kulang na lang samabahin siya ng mga mata ko. 



Ewan ko ba! Sa t'wing nagtatama ang mga mata namin, hindi pa man ako lumalaban para pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya, alam kong talo na 'ko. Too bad, our feelings are not mutual. 



"Wala naman, I'm just watching you... do your thing. Hindi mo 'ko pinapansin eh" nagtatampo niya pang sabi.



"Wala ka bang lakad? I mean, birthday mo. Wala ba kayong plano ng mga kaibigan mo?" Plano niya bang sayangin ang araw niya na dito lang. "Masasayang lang ang araw kung papanoorin mo 'ko rito"




"I beg to disagree. You're fun to watch" he said then he smirked.  I just rolled my eyes at him ay bumalik na sa ginagawa and this time, binilisan ko na ang pagliligpit. Kailangan ko ng matapos 'to para makaalis na ako.

HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now