12

122 19 7
                                    

Days passed at mas ginugol ko ang sarili ko sa pag-aaral. Hindi ako pwedeng bumagsak sa kahit anong subject, paniguradong magagali na naman sa akin sila mommy lalo na si dad. He hates people who are a failure, kaya hindi ako pwedeng pumalpak. Not now, not ever.



"Bridgette, why don't you take a break? Kanina ka pa diyan, hindi ba sumasakit 'yang ulo mo kaka-aral?" napalingon naman ako Tristan habang nakapalumbabang nakatingin lang sa 'kin.



"Oo nga naman, London. Hindi pa naman exam ah, kung makapag-aral ka wagas ah" segunda pa ni Kenneth. Magkakasama kami ngayon dito sa bahay nila Ambriel. It's a Saturday, the day we usually hangout pero heto ako nagpapakadalubhasa sa pag-aaral.



"Marami kasi kaming aaralin next week. Gusto ko lang mag advance reading sa mga 'yon para hindi na ako mangapa pag diniscuss na" baka mamaya kasi niyan hindi na naman ako makahabol at makarating na naman kina daddy.



"Eh ituturo pa lang naman pala, wala naman masama diyan sa ginagawa mo kaya lang gurl, kanina ka pa diyan eh" ani Sugar.



"Ipahinga mo muna 'yang utak mo, wala ka lalo maiintindihan diyan kapag pinilit mo 'yang utak mo na aralin agad lahat ng 'yan" Ambriel added. Tama nga siya, sa ilang oras kong pagbabasa ng lahat ng aarlin namin next week, hindi na pumapasok na sa utak ko yung iba. Binaba ko na lang librong binabasa ko at piniling sumali sa kwentuhan nila.



"Oo nga pala Ambriel, nakita ko yung kuya mo sa bar kagabi ah. Nagba-bar pala siya?" sabi pa ni Creed kay Ambriel. Mula 'nong insidente sa canteen, unti-unti naman naging okay silang lahat, kahit si Sugar at Creed hindi na masyado nagbabangayan.



"Malamang, nakita mo na nga do'n diba?" sagot pa sa kanya ni Ambriel.



"Nagulat lang ako kasi hindi ko naman inaasahan na makikita ko pa lang maglalasing 'yong kapatid mo do'n."



"Bakit naman kaya siya maglalasing?" tanong pa ni Tristan.



"Baka bored, walang magawa kaya naglasing" bara pa sa kanya ni Ambriel. "Kung anuman ang dahilan ng paglalasing niya, siya lang nakakaalam niyan kaya huwag niyo na akong kulitin tungkol diyan"



"Baka naman binasted ni Danaya.." biglang singit pa ni Sugar. Bumalik tuloy sa alaala ko yung nakita ko nung nakaraan, alam na ba niya ang totoo? Na niloloko lang siya ni Danaya? Na hindi naman talaga siya nito gusto kagaya ng akala niya?



"Aba malay ko sa kanilang dalawa.." ani Ambriel.



"Hindi ka man lang ba nagtatanong sa kanya, Ambriel? Bakit parang wala ka naman atang pakialam sa love life ng kuya mo?" tanong pa ni Kenneth.

HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz