13

115 18 5
                                    

Nanghihina't wala sa sarili akong pumasok ng aking silid. Lupaypay akong napaupo sa gilid ng aking kama. Hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil sa pagbagsak ang aking mga luha. "Fucking stop crying, London!" kastigo ko pa sa 'king sarili habang marahas na pinapahid ang aking mga luha. Daig ko pa ang isang batang inagawan ng kanyang paboritong laruan. Oo, alam kong may gusto ako sa kanya kaya mas lalo akong naiinis sa sarili ko. Naiinis ako kung bakit ko hinayaang mangyari ang bagay na 'yon. 



It sucks how he made me feel like I'm just like any other girl, that there's nothing special about me that makes me stand out. Nakakatawa na nagawa ko pang maisip yun dati, na sa paningin niya baka sakaling iba ako sa mga babaeng nababalitaan kong nilalandi niya, dahil hindi pala. 



Napatingin naman ako sa hawak kong phone. Simula nang umalis ako ng walang paalam sa bahay nila Ambriel, hindi na nahinto ang pagtawag sa 'kin ni Tristan. "Tsk! Naiwan ko pa pala ang bag ko do'n." Mabuti nalang pala't dala-dala ko ang cellphone ko at may pera ako sa bulsa. Hindi ko na din ata kakayanin na bumalik pa sa kanila at umakto na walang nangyari, ni hindi ko na nga alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanila. Bahala na! Pabagsak 'kong hiniga ang aking sarili sa kama at hinayaan ang sariling lamunin ng antok.



The following day, wala akong ganang pumasok. Sa katunayan, kanina pa ako gising-- more like hindi naman kasi talaga ako nakatulog ng maayos. Paano naman kasi, parang bangungot na paulit-ulit na pinapaalala sa akin ang nangyaring yun sa pagitan namin ni Aidan. "Nababaliw na ata ako." Don't worry, galit pa rin ako sa kanya. Kahit naman na may gusto ako sa kanya, hindi pa rin ibig sabihin no'n na ayos lang ginawa niyang pambabastos sa 'kin.



"London, bumangon ka na riya't baka malate ka pa." dinig kong sigaw ni yaya mula sa labas ng kwarto ko.  Tamad na tamad akong bumangon ng kama para mag-ayos papasok ng school.



"Bakit tinanghali ka na ng gising? Kung hindi pa kita inakyat, hindi ka pa babangon." ani yaya pagkababa ko sa may sala.



"Sorry ya, napasarap lang ng tulog." sabi ko pa sa kanya habang nakayakap rito. 



"Naku, dinadaan mo na naman ako diyan sa mga simpleng paglalambing mo. Ako'y inuuto mo lang talaga, London." aniya pero ngumiti lamang ako at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. Kung meron mang tao sa mundo ang pinaka pinagkakatiwalaan ko, si yaya Melly yun. Hindi pa ata ako pinapanganak, andito na siya.


 Simula pagkabata, siya na ang lagi kong nakakasama  dahil nga abala lagi sila mommy at daddy sa mga negosyo nila. Para sa akin, siya ang kaisa-isang tao na kahit makagawa man ako ng hindi maganda ay hindi ako magagawang husgahan dahil masyado niya akong kilala.



"Ayaw niyo ba na nilalambing ko kayo, yaya?" ani ko sa kanya.



"Ay tigilan mo ako. Sige na't umalis ka na baka abutan ka ng traffic." Niyakap ko pa siya ng mahigpit bago tuluyang umalis, papasok ng school.

HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now