33

136 23 9
                                    

AMBRIEL

EVERYONE was having fun, except me. I was just sitting while watching everyone having the time of their lives. Kenneth and Sugar were on blast while drinking hard drinks.



Apollo, Creed and Tristan were uhh--playing with foods habang nag-iinuman. Panay naman ang tawa nila Danaya sa tatlo dahil sa kalokohan nito. My brother who's oblivious of what's about to happen and was also laughing along with them.



Khaizen was sitting beside me. Hindi niya ata makuhang magsaya. Hindi ko rin naman siya pinipigilan. Pero dahil alam niya na may nangyayari, hindi niya makuhang makisali sa kanila sa pagsasaya.



I snapped when I felt my phone vibrated. I checked on it at wala sa sariling napangiti. It's time!



"Guys, let's do opening of presents na. Let's see kung sino kung sinong may pinaka bonggang regalo kahit kulang sa oras" suhestiyon ni Sugar.



"Huwag ka nga diyan. Dapat sila Danaya lang ang makakaalam ng mga regalong natanggap nila. Bida-bida ka na naman eh!" sita pa sa  kanya ni Creed.



"Tsk! Pwede ba kutong soil, manahimik ka diyan! Kaya siguro ayaw mo kasi chaka ang regalo mo!" halatang lasing na nga ang dalawa. Magbangayan ba naman sa harap namin. On second thought, normal na tagpo na pala 'to.



Nakita ko namanng natatawa sa kanila si Danaya "Guys, tama na yan. Sige na, buksan na lang natin ang mga regalo para matahimik na kayo" anito.



"Sinong una?" tanong pa ni Kenneth.



"Ako na!" presinta pa ni Sugar. Lumingon naman siya sakin. "Ihuli niyo na yan si Ambriel. Dumating na ba yung regalo mo?" 



Tumango naman ako at ngumiti. "Yeah, kakarating lang ng delivery. Sige na, simulan niyo na yan" at yung nga nangyari.



Lahat ay excited. Lalo na ako. 



Isang Gucci bag ang naging regalo ni Sugar kay Danaya. Hermes scarf naman ang kay Kenneth. Habang Balenciaga shoes naman ang kay Creed. Ganun din sa iba, lahat galing sa mga sikat na brands.



"Thank you so much for these, guys!" bakas ang tuwa sa mga mata ni Danaya.



"Wait, there's more..." napatingin naman kami kay Aidan nang iabot niya ang isang parihabang kahon kay Danaya. Nang buksan, isang kumikinang na diamond necklace ang tumambad sa aming lahat.



Kita ko ang gulat sa mga ni Danaya "Babe..this is..oh my god.."



"Only the best for my baby.." kinuha niya ang kwintas at mismong siya ang nagkabit nito sa leeg ni Danaya. 



"Thank you!" aniya at niyakap ang aking kapatid pagkatapos.



"Wala na! May nanalo na! Walang panama ang mga regalo natin, dinaan tayo sa pabato eh" ani Creed at nagsitawanan sila.



"O, Ambriel.. ikaw na" nalipat ang tingin nila sakin. 



Ngumiti naman ako. "I'll just get it outside.." saglit akong nagpaalam at iniwan sila roon. Paglabas ko ng hall ay tumambad sakin si Dark, dala ang regalo ko. "Good work, Dark" Hindi na naging mahaba ang usapan namin at agad din siyang umalis. Pumasok naman ako ulit ng hall.



"O, nasaan na ang gift mo?" tanong pa ni Creed.



Ngumiti pa ako bago lumingon sa may pintuan. Iyon ang hudyat para pumasok ang isa sa mga pinakahihintay nilang panauhin. "He's my gift.." turo ko sa lalaking kakapasok lamang sa bulwagan.



HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now