9

114 20 3
                                    

Kanina pa ako nakabalik sa table namin pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabing yun ni Aidan kanina. Ano yun, pinagtitripan niya ba ako?  Imbes na pagtuunan ng pansin ang sinabi niyang yun ay mas pinili ko nalang na ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay, kagaya ng pagsagot sa mga makukulit na tanong ng mga kaibigan namin.



"So, kelan niyo pa nga balak sabihin sa'min na kayo na pala?" nakataas pa ang kilay ni Kenneth habang nakatingin sa aming dalawa ni Tristan.



"Oo nga, panay pa kami tulak sa inyong dalawa yun naman pala, kayo na." mukhang pati si Sugar eh, nagtampo na din.



Ano ba naman 'to?! They're misunderstanding things! Wala naman kasi kaming aaminin  dahil trip lang naman 'to. Magsasalita na sana ako para sabihin ang totoo nang unahan ako bigla ni Ambriel. "Guys, cut it out. Desisyon nila yun as a couple kung itatago nila, kahit pa mga kaibigan nila tayo, hindi natin sila pwedeng diktahan sa kung anong dapat nilang gawin." mahaba niyang litanya, napanganga naman akong tumingin sa kanya. Anong pinagsasabi ng isang 'to?! Alam naman niya na hindi naman totoo ang set-up na 'to. Palihim ko siyang tiningnan ng masama pero si gaga nagawa pa akong kindatan.



"Ambriel's right, maging masaya na lang tayo na finally eh umamin din sila." segunda pa ni Khaizen. Naku! Bagay talaga 'tong dalawang to, sarap pag-untugin!



"Sorry guys but we just want to take things slower pagdating sa relasyon namin ni Bridgette. Kilala niyo naman 'to, masyadong mahirap abutin." pabirong sabi pa ni Tristan habang nakaakbay sa 'kin.



"Hmp, pasalamat kayo at talagang gusto ko talagang magkatuluyan kayo! Naku, ikaw London ha huwag na huwag mo ng papakawalan 'yang si papa Tristan dahil ang tanga mo na kapag ginawa mo yun." natawa naman silang lahat sa sinabing yun ni Kenneth.



"Tch! Bakit parang ang lumalabas eh ako ang patay na patay sa panget na 'to?!" inis ko pang sabi sa kanila. "Ako ba nanligaw?!"



"Di mo sure.." pasaring pa ni Kenneth dahilan para tapunan ko siya ng tissue. Napuno lang ng tawanan at asaran ang mesa namin ng gabing yun. Hindi ko na mabilang kung makailang ulit kaming tinukso ng mga kasama namin.



"Kuya, where have you been?" napatingin naman kaming sa lahat nang marinig si Ambriel. So sobrang dami ng pinag-uusapan namin, wala ng nakapansin na nakalapit na pala sa mesa namin si Aidan.



"Diyan lang, may kinausap lang akong kakilala.." sagot niya pa sabay upo naman sa tabi ni Kenneth, na saktong katapat naman ng upuan ko. Ang kaninang malaking mesa para sa aming lahat ay biglang naging masikip sa pagdating niya. Hindi ko naman kasi alam na dito rin pala siya uupo kasama namin.



"Where's Danaya, by the way?" tanong sa kanya ni Creed. "Himala ata at hindi ko kayo nakitang magkadikit ngayon." dagdag pa nito.

HER ONE LAST TRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now