Chapter 3

196 20 5
                                    

Have you even been in the midst of situation wherein you are aware that there's something wrong but they chose to pretend there isn't? Gusto ko silang batukan lahat dahil ang galing nilang magpanggap na parang walang nangyari noong nakaraan. Ang normal nila kung umasta, parang hindi nagkaroon ng gulo sa pagitan namin. Ako lang yata ang hindi nila nasabihan.

"Bella? Tara na sa computer room." pang-aakit sa akin ni Antonio. Naningkit ang mata ko sa kaniya, inosente naman siyang nakatingin sa akin kahit alam kong alam niya kung ano ang iniisip ko ngayon. Natatandaan kong hindi tumapat sa kaniya ang bote noong birthday ni Miguel, kung sakali kayang tumapat sa kaniya, ano naman kayang sikreto ang malalaman ko tungkol sa kaniya? "Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" natatawang aniya.

Umiling ako at kinuha na lamang ang notebook ko. Tumingin ako kay Sam sa tabi ko na kinukuha na rin ang mga gamit niya.

"Nasaan na sila?" tanong ko.

"Nauna na roon, ang tagal niyo kasi kumilos."

Hindi na ako sumagot, sumunod kami sa kaniya ni Sam hanggang sa makarating kami sa loob ng computer room. Naroon na lahat ng mga kaklase namin. Nakita ko pa ang pagbaling sa amin ni Ma'am Charm nang pumasok kami sa silid. Kita kong balak pa sana niya kaming sermunan subalit hindi na natuloy dahil mas pinili niyang magdiscuss na lang sa Empowerment technology.

Napatingin ako sa unahan kung saan halos okupado na lahat ng upuan. May isang bakante sa tabi ni Gregorio at may dalawa naman sa magkabilang tabi ni Andres. Kaagad na nagtungo si Sam sa kaliwang bahagi ni Andres at doon naupo. Si Antonio naman, dumiretso sa tabi ni Gregorio. Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Andres.

Hindi naman sa iniiwasan ko siya, naiilang lang talaga ako kahit matagal na kaming magkakaibigan. Si Sam naman, halatang iniiwasan si Gregorio.

Napabuntong-hininga ako.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala na may girlfriend ngang iba si Gregorio at hindi si Sam iyon. Buong akala ko ay nagkakamabutihan na silang dalawa. Kita ko noon kung paano sila magtinginan, alam kong may laman. Alam kong may ibig sabihin. Kaya hindi ko talaga matanggap na wala lang ang lahat ng iyon.

"Ang init naman." mahinang reklamo ko habang nakaupo. Hindi ako makapag-concentrate sa pakikinig dahil sa sobrang init. Kakaunti lang kasi ang electric fan sa computer room, tapos saktong 10:30 pa ng umaga ang klase namin dito kaya mainit talaga. Nagkataon pa na 33 kaming lahat na magkaklase kaya punong-puno na kaagad ang silid.

"Ito pamaypay." inabot sa akin ni Antonio ang karton na nakadikit sa likod ng intermediate pad niya. Tiniklop ko naman iyon para maging mas makapal saka ko pinaypayan ang sarili.

Naka-projector ang discussion ni Ma'am Charm kaya nakataas lahat ang mga paningin namin. Pinagpapawisan na ako ng matindi dahil sa temperatura sa loob ng classroom. Bigla ko tuloy gustong lumabas muna para magpahangin.

Nagulat ako nang biglang may mag-abot sa akin ng panyo. Napatingin ako sa tabi ko at sumulyap kay Andres na nakatingin lamang sa projector habang nakalahad sa akin ang panyong hawak niya.

"Punasan mo pawis mo." aniya. Hindi siya sumulyap sa akin. Nag-aalangan pa ako kung tatanggapin ko ba iyon o hindi.

"H-huwag na."

Bumaling siya sa akin, pinigilan ko namang maasiwa sa seryosong paninitig niya.

"Gusto mong ako pa ang magpunas ng pawis mo?"

Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Antonio. Sa kahihiyan ay mabilis kong kinuha ang panyo ni Andres at kaagad na pinunasan ang pawis sa mukha ko. Saglit pa akong napatigil nang maamoy ang panyo niya. Lalaking-lalaki ang amoy... pero mabango.

Nang matapos ay hindi na muna ako nagtangkang ibalik sa kaniya ang panyo. Nakakahiya iyon kung ibabalik ko sa kaniya na amoy pawis ko na. Lalabhan ko na lang muna saka ko ibabalik.

Natapos ang klase sa loob ng isang oras. Pakiramdam ko ay napakatagal niyon lalo na at discussion lang naman ang ginawa ni Ma'am. Kaagad akong tumayo sa upuan at nagmamadaling lumabas ng classroom dahil sobrang init talaga sa loob niyon.

"Diretso canteen na ba tayo?" tanong ni Miguel. Tumango ako sa kaniya dahil hassle kung babalik pa kami ng classroom saka pupunta sa canteen. Hindi ko rin maiwasang pagmasdan siya lalo na nang malaman ko na hindi na siya tutuloy sa college. Hindi ko alam kung bakit. Kung titingnan naman ang pamilya nila, halatang hindi sila kinakapos sa pera kaya imposibleng pinansal ang dahilan niya. Gusto ko siyang tanungin pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras.

May tamang oras para sa mga bagay-bagay.

Kailangan kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi ako makakakuha ng magandang sagot at resulta kung mamadaliin ko ang mga bagay-bagay.

Kailangan kong maghintay.

Kailangan ko lang maging matiyaga dahil sa huli... alam kong makikita ko rin siya ulit.

Mabilis kaming pumanhik sa classroom matapos kumain ng lunch sa canteen. Walang bubong sa pathway na daraanan namin sa school grounds kaya mainit ang daan. Hinaplos ko ang balat sa braso nang mainitan ito ng sikat ng araw.

"Takot na takot ka yatang umitim ah?" pagpuna sa akin ni Miguel. Ngumiwi ako sa kaniya.

"Sakit kaya sa balat." mainit ang sikat ng araw ngayon at katanghalian. Sadyang nakakapaso sa balat kaya mabilis akong tumakbo upang makasilong sa building namin. Sa pagmamadali ay nabunggo ko ang teacher namin sa social sciences na si Sir Jez. Nahulog ang cattleya notes ko sa lupa at nilipad ng hangin ang isang papel na matagal ko nang pinapakaingat-ingatan.

Nanlaki ang mata ko nang pulutin iyon ni Sir at taas-kilay na binasa. Kinabahan kaagad ako dahil alam kong marunong siyang magbasa ng baybayin. Naalala ko noon na tinuturuan niya ang mga estudyanteng HUMSS-2 noon na magbasa at magsulat ng baybayin.

"S-sir, akin na po." mabilis kong nakuha sa kaniya ang papel. Nagsidatingan naman ang mga kaibigan ko at napatingin sa amin ng teacher.

"Sulat ba iyan ni Ibarra?" kuryusong tanong niya sa akin. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba. "Nakita ko na kasi siya dating magsulat sa baybayin. Baka kako siya nagsulat niyan." mapang-asar siyang tumingin sa akin at saka tumawa.

Mabuti na lamang at natuon ang atensyon niya kina Andres na paboritong-paborito niyang mga estudyante. Isa si Sir Jez sa mga pinakabatang teacher dito sa Buenaventura kaya naman hindi siya nahihirapang makisabay at makipagkwentuhan sa mga estudyante niya.

Maingat kong pinlantsa ang papel gamit ang aking kamay. Pagkatapos ay muli ko itong tiniklop ng maayos saka inilagay sa aking ID para hindi na malipad. Nakita ko ang mabilis na pagsulyap doon ni Andres bago muling ibinalik kay Sir ang atensyon. Saglit pa kaming nanatili roon dahil sa kadaldalan ng teacher. Hindi naman tungkol sa pag-aaral ang pinag-uusapan nila, tungkol sa mga 99 na kasintahan ni Sir na alam kong puro kahambugan lang. Ni isa sa 99 na babaeng iyon ay wala pa akong nakikita. Isa siya sa mga hopeless romantic na tao na dinadaan na lang sa kahambugan ang kawalan niya ng kasintahan.

"Tara na, male-late na tayo." pag-aakit ko sa kanila nang makaalis si Sir. Tumango naman sila at nakisabay sa akin.

"Ano iyong sabi ni Sir na sinulat daw ni Ibarra?" Maya-maya ay tanong ni Antonio sa akin.

"W-wala. Alam mo naman si Sir, ang daming ilusyon sa buhay." pagpapalusot ko.

Tumawa siya. "Isusumbong kita." idinuro pa niya ako gamit ang hintuturo niya.

"Samahan pa kita."

"Tapang ah?" inakbayan niya ako habang umaakyat kami sa hagdan. Painis ko namang inaalis ito dahil mabigat sa balikat ang kamay niya.

"Alisin mo nga!" iritadong anas ko. Bukod kay Miguel ay siya talaga ang pangalawa sa malakas mang-asar sa mga lalaki. Tumawa lamang siya sa akin at hindi inalis ang kamay. Patuloy niya akong kinukulit kahit halata naman sa mukha ko na iritado na ako.

"Antonio." seryosong pagtawag sa kaniya ni Andres.

Umiling naman si Antonio saka inalis ang kamay sa balikat ko. Hinilot-hilot ko pa ang balikat dahil namanhid ito sa saglit na pag-akbay sa akin ni Antonio.

Sumipol si Miguel dahil walang nagsasalita.

"Paano ba kasi maging maganda." bulong niya sa sarili na narinig naman naming lahat. Ngumiwi ako at nanguna sa pagtakbo papunta sa classroom.

I Like HimWhere stories live. Discover now