Chapter 19

149 15 6
                                    

Nang mga sumunod na araw, ipinagpatuloy ko pa rin ang nasimulan ko sa pag-aakala na baka makalipas ang ilang araw na pagiging feeling close, makukuha ko na ulit ang loob ni Ibarra. Ganoon ang goal kong mangyari. Iyong mga hindi ko ginagawa noon, ginagawa ko lahat para magpapansin sa kaniya.

At aaminin ko, hindi maganda sa pakiramdam. Ang pangit pala sa pakiramdam na ikaw ang naghahabol at nanlilimos ng atensyon.

Mabuti sana kung madali lang gawin. Pero hindi, masyadong matigas si Ibarra.
Hindi ko alam kung masyado ba siyang nasaktan sa ginawa kong pagtataboy sa kaniya o baka naman nagpapakipot lang siya sa akin.

Pero hindi naman niya iyon ugali.

At kahit pinapansin o kinakausap niya ako minsan kahit tipid lang, ang sakit lang sa mata dahil kay Kate pa rin nakatuon ang buong atensyon niya. Hindi ko alam kung bakit. Ang sabi niya magkaibigan lang daw sila. Ang sabi naman ni Kate nililigawan na raw siya ni Ibarra. Pero sa nakikita ko, mas mukha nga silang magkasintahan kaysa magkaibigan.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko maiwasang mainis at magalit kay Kate. Nasa kaniya na lang lahat ng atensyon. Wala ng natira sa akin. Palagi na lang siya ang inuuna. Nakakairita. Nakakasawa na.

"Kate, ito pa raw sa faculty din." ipinatong ko pa ang tatlong makapal na libro sa dala niyang box. Lumukot ang mukha niya.

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang? Ang dami ko ng dala." reklamo niya.

"May kukunin pa ako sa room." katwiran ko. Kung dati kasi ay kami ang naglipat ng classroom, mga teacher naman ngayon ang maglilipat ng faculty. At kaming mga estudyante na naman ang pinagbubuhat ng mga gamit nila.

"Hihintayin ko na lang si Ibarra." rinig kong bulong niya. Nagpintig kaagad ang tenga ko.

"Marami pang gagawin ang mga lalaki. Magbubuhat pa ang mga iyon ng lamesa kaya ikaw na lang magdala niyan." nakita ko ang pahapyaw na pag-irap niya bago tumalikod sa akin.

Napangisi lang ako. Kung akala niya palagi siyang makakalibre rito dahil kay Ibarra, nagkakamali siya. Kailangan lahat tumulong. Hindi naman ako nagpapaka-childish para lang pahirapan siya. Responsibilidad naman talaga niya iyon.

Kumuha naman ako ng mga bubuhatin saka sumabay kay Sam papunta sa bagong faculty. Kaunti lang ang kinuha ko para madaling dalhin. Nang makaakyat kami sa second floor, kaagad na nanlisik ang mata ko sa pagkainis. Naabutan ko kasi si Ibarra na kinukuha ang mga buhatin mula kay Kate.

"Doon ka na lang sa ibaba, huwag ka na tumulong." anas pa nito nang medyo makalapit kami roon. Todo ngiti sa kaniya si Kate at tumango.

Nanunuyang napangiti sa akin si Kate nang magkasalubong kami. Ngumiti lang din ako pero kaagad iyong nawala nang makalayo siya.

"Plastikan ah?" puna ni Sam.

"Hindi ko na talaga alam kung paano makikisama." frustrated na anas ko. Sa loob kasi ng higit isang buwan na pananatili rito ni Kate, alam ko na ang tunay na ugali niya. Mabait lang siya kapag nandiyan si Ibarra at Papa. Kapag kami na lang dalawa, kung anu-ano na ang sinasabi niya sa akin.

At iyon ang hindi ko nagugustuhan.

"Saka napapansin ko 'yang ginagawa mo ha Bella. Nagpapapansin ka, hindi ka naman ganiyan dati."

"Gusto ko lang ibalik ang dating samahan namin ni Ibarra. Malapit naman kami sa isa't-isa dati ah?"

"Alam ko, pero 'di ba sinabi mong hindi mo siya gusto. Tapos sinabi mo pa na mas gusto mo si Andres kaysa sa kaniya. Ano 'yon?" napailing siya sa akin.

Bumuntong-hininga naman ako

"M-magulo nga isip ko no'n! Saka nasabi ko naman sa'yo 'di ba iyong bilin sa akin ni Papa. Sariwa pa iyon sa alaala ko kaya hindi ko pa napag-iisipan ng tama." frustrated na anas ko.

I Like HimWhere stories live. Discover now