Chapter 21

137 15 0
                                    

Muli akong sumubsob sa lamesa upang ipahinga ang sarili. Kapag uminom ako ng gamot mamaya pagkauwi ko, paniguradong gagaling din ako kaagad. Kailangan ko lang maghintay hanggang sa maghapon. Ayokong umabsent dahil ang dami ko na ring naging late. Hindi man ako matalino, at least perfect attendance ako.

Hindi natagal, narinig ko ang pagsidatingan ng mga tao. Hindi ako nag-angat ng tingin. Nanatili akong nakasubsob sa lamesa.

"Ysabella." boses ni Sam ang nagsalita. Nakailang tawag pa siya sa akin bago ako nag-angat ng tingin. Hindi na ako nagulat nang makita na lahat sila ay nasa classroom na. Si Kate naman ay nakaupo lang sa pwesto niya at nakatingin sa akin.

"Bakit? Anong problema?" tanong ko sa kaniya. Sina Antonio ay nakaupo na sa mga pwesto nila pero halata na nakikiramdam ang mga ito sa paligid. Si Andres naman, nanatiling nakatayo at nakasandal sa may bintana. Nakatingin din siya sa akin.

Umupo si Sam sa tabi ko at kunot-noong tiningnan ako.

"Bakit ganiyan ang ikinikilos mo? Bakit ang tamlay mo?" magkasunod na tanong niya.

"'Di ba sinabi ko na sa'yo? Napuyat lang ako kagabi." matamlay na sagot ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya sa akin.

"Hindi ka naman ganiyan sa tuwing puyat ka ah? Napupuyat ka rin dati pero hindi ka naman ganiyan katamlay at kaputla." seryosong saad niya sa akin. Umayos ako ng upo. Naging dahilan iyon upang malaya niyang nasipat ang noo ko.

Mabilis akong napaiwas. Lumapit naman siya lalo sa akin at leeg ko naman ang hinipo. Napansin ko ang mabilis na paglayo ng kamay niya na parang napaso sa balat ko.

"Tangina ka, ang init mo ah?" pagalit na aniya. Kunot na kunot ang noo niya sa akin.

Ngumiwi naman ako.

"Wala ito, 'wag ka na maingay." iritadong anas ko sa kaniya. Hindi naman siya nagpaawat. Dinapuan ako ng kaba sa reaksyon ng mukha niya. Nakatingin na kasi sa amin ang lahat ngayon. Pati sina Ibarra.

"Anong oras ka ba nakauwi kagabi?" tanong niya at pinilit akong iharap sa kaniya. "Anong oras ka nga nakauwi?"

"Maagap." painis na ani ko.

"Anong oras nga?" inis ding aniya.

"Basta maagap akong nakauwi." tumayo ako at lumipat ng upuan. Ayoko nang sagutin pa ang mga tanong niya. Pero knowing Sam, hindi siya titigil hangga't hindi nakukuntento.

"Eh bakit ka nilalagnat? Umulan kahapon ah? Nabasa ka ba? Akala ko sasabay ka kay Ibarra? Umalis na ako kaagad kasi sabi mo sasabay ka sa kaniya."

"S-sumabay nga ako."

"Eh bakit naulanan ka? Bakit nilalagnat ka na naman?"

"Sakitin naman talaga ako, alam mo iyan Sam." hindi nagtagal na nakita ko ang paglapit sa amin ni Andres. Sina Antonio naman, hindi man sila nakatingin sa amin, halatang nakikinig sila sa pag-uusap namin.

"Oo nga, pero sana hindi ka nagpabasa ng ulan alam mo namang sakitin ka. Wala bang dalang payong si Ibarra?"

"M-meron, pero hindi ganoon kalaki." tugon ko. Umiwas ako sa kaniya at muling isinubsob ang mukha sa lamesa.

"Magsabi ka nga ng totoo, Ysabella. Galing ako sa bahay niyo kahapon ng alas siyete ng gabi. Napadaan lang ako dahil galing kami ni Mama sa botika. Tinanong kita sa lola mo pero wala ka pa raw. Saan ka ba nanggaling? Ang sabi mo maagap kang umuwi?" patuloy niya sa pagtatanong. Sa sinabi niya ay mabilis akong nataranta. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Doon ko nakita na naglalakad na rin si Ibarra papunta sa amin. Nakasunod sa kaniya si Kate

I Like HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon