Chapter 27

151 19 10
                                    

"Paano kaya kung sa future, ikaw ang mag-oorganize ng tunay na kasal ni Kate at ni Ibarra?" humalakhak si Sam sa aking tabi.

Nanatili naman akong nakahalukipkip at nakasandal sa may pinto habang nakatingin sa dalawang taong ikinakasal sa unahan.

"Wala akong balak na gawin iyon." seryosong anas ko. Nagsimula na ang maliit na seremonya para sa kasal-kasalan nila. As usual, sa ganito kaliit na bagay na masayang-masaya na ang kapatid ko. "Mamatay man."

Nanatili ang tingin ko sa unahan. Mas kakaunti ang nanonood ngayon kumpara kanina. Karamihan ay mga kaklase lang namin. Si Antonio naman ang nakatokang maging pari ngayon.

Kahit nakabelo ay kita ko mula rito ang nakatinging mukha ni Kate. Magkatinginan sila ni Ibarra. Ibinigay ni Gregorio ang singsing sa kaniya saka niya ito dahan-dahang isinuot sa daliri ni Kate. Kaagad akong napaiwas ng tingin.

"You may now k-kiss the bride." alanganing anas ni Antonio. Muli akong bumaling sa kanila at nakita na lahat sila ay nag-aabang sa magiging reaksyon ko. Maging si Ibarra ay nakatingin din sa akin ngayon na parang naghihintay ng sasabihin ko.

Nanatili lang akong nakahalukipkip at hindi nagsalita nang biglang si Kate na mismo ang lumapit kay Ibarra at hinalikan ito sa gilid ng labi niya. Natigilan ako at naramdaman ang panlalamig ng katawan.

Napahawak naman si Ibarra sa balikat nito upang bahagya siyang itulak. Mabilis na lumingon sa akin si Ibarra, nababakas ang takot sa mata niya.

Awkward na nagpalakpakan ang paligid para batiin ang bagong ikinasal. Napilitan silang magkantiyawan upang gumawa ng ingay sa gitna ng tensyunadong paligid. Muli akong napaiwas ng tingin at nakita ang pagbaon ng aking kuko sa balat ng hindi ko namamalayan.

"Sa labas lang ako." paalam ko kay Sam. Taranta siyang bumaling sa akin at saka ako pinigilan.

"T-teka lang, may bago na ulit ikakasal." aniya at kaagad humingi ng pera kay Miguel.

"Ano bakit ako lang magbabayad? Ambagan tayo lahat." bulong ni Miguel na rinig ko hanggang sa kinatatayuan ko.

"Oo nga, sisingilin ko sila mamaya. Malaking sugal itong gagawin natin, nakasalalay dito ang kinabukasan ni Ysabella." anas ni Sam.

Nang marinig ko ang pangalan ko ay kunot-noong lumapit ako sa kanila.

"Sam?"

Humarap siya sa akin at saka ngumiti.

"Huwag kang magagalit ha? Para sa'yo rin naman itong ginagawa namin. Doon ka na lang sa taong hindi ka kayang talikuran."

Pagkasabi niya noon ay mabilis niya akong hinila papunta sa unahan. Sa kabilang banda ay nakita ko sina Miguel na hinihila rin si Andres papunta sa unahan. Nanlaki ang mata ko nang tuluyan kong napagtanto ang mga nangyayari.

"Sam!" iritadong anas ko sa kaniya. Akma akong aalis nang harangan niya ako at nagmamakaawa akong tiningnan.

"Ngayon lang naman, saka... tatalikuran mo na naman ba si Andres? Sasaktan mo na naman? Simpleng bagay lang naman ito, hindi nito kakainin ang oras mo."

"Pero alam mo namang hindi magandang ideya ito. Kahit hindi ito tunay na kasal... may ibig sabihin pa rin ito sa bawat isa sa amin."

"Anong gusto mong gawin? Gusto mo magpakasal kay Ibarra kahit nauna na sila ni Kate? Pumayag ka na lang... wala namang mawawala."

Napahinga ako ng malalim saka nagpasyang sumuko na lang. Laro-laro lang naman ito. Hindi totoo, mas malaki ang posibilidad na hindi ganito ang mangyayari sa hinaharap.

Bumaling ako kay Andres na nakatingin na sa akin ngayon. Nagsimulang magsalita ang pari sa unahan, si Gregorio. Pero wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Tumitig lang ako kay Andres at nabasa sa mga mata niya na hindi rin niya gusto ang nangyayari.

I Like HimWhere stories live. Discover now