Chapter 30

180 22 8
                                    

"Ano nangyari tang... ina..."

Sa pagkatulala ay hindi ko napakinggang maayos kung sino ang nagsalita. Matinding katahimikan ang namutawi sa buong paligid. I was silently looking at the sea, splashing dangerous waves in the seashore. Iyon lamang ang tanging ingay na maririnig bukod sa kasiyahan ng ibang tao sa malayo.

Para akong naubusan ng hangin sa nangyari. Naroon ang matinding pagkadismaya ko sa sarili. Hindi na dapat ako umasa sa kaniya. Palagi naman niya akong binibigo hindi ba? Pero bakit hindi ko pa rin magawang masanay? Bakit hanggang ngayon talunan pa rin ako. Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap?

Marahas kong pinahid ang luhang naglandas mula sa mga nakatulala kong mata sa karagatan. Ramdam ko ang tingin ng ilan sa akin subalit hindi ko na ito pinansin. Sobrang napapagod na ako sa ganitong klase ng pakiramdam. Palagi na lang. Palagi na lang ako ang nasasaktan.

"Ituloy niyo na... mas masaya kung itutuloy niyo." walang bakas ng emosyon kong anas sa kanila. Mas lalong natahimik ang lahat. "Ipagpatuloy niyo lang ang pananakit sa akin hanggang sa mawalan na ako ng pakialam."

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtayo ng isang lalaki. Pero kaagad itong napigilan ng lalaki na nakaupo sa kaniyang tabi.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ng lahat. The game resumed as what I told them. Pero nawala roon ang atensyon ko. Buong magdamag ay nanatili lamang ang tingin ko sa dagat. I was trying to seek answers amidst it's darkness.

Bakit?

Bakit palaging hindi ako ang pinipili?

Anong mali sa akin?

Anong kulang?

Bakit?

"Y-Ysabella... "

Wala sa sariling napatigil ako sa pag-iisip at nakita ang nag-aalalang tingin sa akin ni Sam. Napatingin ako sa gitna at nakita na sa akin pala nakatapat ang bote. Napangiti ako.

"Anong dare niyo sa akin?" nakangiting tanong ko sa kanila. No one answered me. No one spoke. Lahat sila iniiwasan ang tingin ko.

"H-huwag na lang kaya natin ituloy? Gabi na rin naman-

"Ang daya niyo naman." pagak akong tumawa. Mas lalong bumakas ang pag-alala sa mukha nila. "No'ng sa akin na tumapat biglang ayaw niyo nang ituloy. Ang daya niyo." humalakhak ako kahit naroon ang sakit sa tono. Alam kong nakikita na rin nila ang nanunubig kong mata ngayon.

"M-mas maigi siguro kung magpapahinga na tayong lahat. Masyado ng mahaba ang araw na ito." boses ni Miguel ang narinig ko. Sumang-ayon ang karamihan. Naramdaman kong nagsitayuan silang lahat subalit nanatili akong nakaupo.

Walang kibo.

Walang galaw.

Walang imik.

"B-Bella… " pagtawag sa akin ni Sam.

"Dito na lang ako, hahanap ako ng makakalaro. Iyong mga hindi umaayaw. Iyong mga hindi madaya. Iyong hindi unfair sa akin."

Muli silang natahimik sa sinabi ko. Nanatili akong nakaupo hanggang sa maramdaman ko ang muling pag-upo nilang lahat. Doon ako tuluyang ngumiti kahit naiiyak na.

"So ano ng dare niyo sa akin?" excited na tanong ko sa kanila. Wala ulit nagsalita. Kita ko pa ang mga pasimpleng pagsisikuhan nila. Binalewala ko iyon at nanatiling nakangiti.

Tumikhim si Miguel. May determinasyon sa mukha. As if he's trying to fix something. Kita kong kabado ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Madali lang ito." aniya at umiwas ng tingin sa akin. "Lapitan mo ngayon ang taong gusto mong maging bahagi ng buhay mo."

I Like HimOnde as histórias ganham vida. Descobre agora