Chapter 6

157 16 13
                                    

Pinilit kong ngumiti ng totoo habang nasa harap ni Kate at Katheryn na parehas kong kapatid sa ama. Nandito rin si Tita Lucy at si Papa dahil dito nila napiling magdinner pagkagaling sa byahe mula sa Manila.

"Ibig sabihin ay dito mo na rin pag-aaralin ang mga anak mo, Fidel?" tanong ni Lola kay Papa habang kumakain kami.

"Hindi po, Ma. Si Kate lang po ang dito mag-aaral. Itong si Katheryn ay sa Cebu pa rin." tugon niya. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit hanggang ngayon ay Mama pa rin ang tawag ni Papa kay Lola. Matagal na silang magkahiwalay ni Mama, hindi ko rin alam kung ayos lang ba kay Tita Lucy na Mama pa rin ang tawag niya sa nanay ng dating karelasyon nito.

Nagusap-usap silang matatanda at nanatili naman kaming tahimik na mga anak. Nasa hapag din ang dalawa ko pang kapatid na sina Cye at Pia. Hindi rin nila alam kung paano makikisama.

Napatingin naman ko kay Kate na nakaupo sa aking harapan, bahagya siyang ngumiti sa akin na pilit kong ginantihan. Hindi ko alam kung nagpaplastikan lang ba kami o ano. Hindi ko alam kung natatandaan pa ba niya kung paano kami nag-agawan noon para sa isang sketchpad. Ang ineexpect ko ay hindi magiging maganda ang turingan namin sa isa't-isa. Pero simula nang dumating sila rito kanina at pormal akong ipakilala ni Papa, panay ang ngiti niya sa akin na para bang hindi kami nagkaaway noon.

Hindi ko alam kung sinabihan lang ba siya ni Papa na pakisamahan ako o baka naman wala na talaga sa kaniya ang nangyari noon.

"Ikaw Ysabella? Gusto mo bang sa Cebu ka na mag-college?" natigilan ako nang bigla akong tanungin ni Tita Lucy. Bahagya siyang nakangiti sa akin at hinihintay ang sagot ko. Actually, lahat sila naghihintay.

Napatingin naman ako kay Lola na walang halong pamimilit ang tingin na ibinibigay sa akin. Halatang wala siyang balak na makialam sa magiging desisyon ko.

Tumikhim ako at ibinaba ang hawak na kubyertos.

"Salamat po, Tita. Pero mas gusto ko kung dito na lang ako magpapatuloy ng pag-aaral. M-mawawalan po ng kasama sina Lola." pagsasabi ko ng totoo. Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Hindi ko iiwan sina lola at ang mga kapatid ko rito. Matanda na si Lola at walang titingin sa kanila kung sakaling may mangyaring masama. Mas mabuti nang nandito ako para mabantayan ko na rin sila.

"Ysabella, kung gusto mo roon kasama ang Papa mo, hindi ka namin pipigilan-

"Lola." pagpigil ko sa kaniya. Hindi niya mababago isip ko. Mukhang nauunawaan na rin naman niya kaya ngumiti na lamang siya sa akin.

Natapos ang hapunan at hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sina Papa na uuna na sila. Nagulat pa ako nang malaman na i-eenrol nila si Kate sa kaparehong school na pinapasukan ko. Hindi naman ako tutol doon. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit sa Buenventura pa. Mayaman naman sila, kayang-kaya ni Papa na magbayad sa private school para doon mag-aral ang mga anak niya. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa maliit na school pa siya mag-aaral.

"Ikaw muna bahala sa kapatid mo roon ha, Bella? Huwag mo siyang pababayaan." paalala sa akin ni Papa bago sila tuluyang umalis.

"O-opo." tugon ko. Niyakap muna ako ng magkapatid bago sila umalis na siyang ikinagulat ko. Ang weird din para sa akin na ako pa ang magbabantay kay Kate gayong isang taon ang tanda niya sa akin.

Kinabukasan ay inagapan ko ang gising kagaya ng ginagawa ko noong nakalipas na dalawang araw. Dumiretso ako sa bahay nina Andres na ipinagtanong ko pa kina Miguel. Pakiramdam ko ay may responsibilidad ako sa kaniya dahil ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente noong nakaraang araw. Kaya naman naisipan kong hangga't hindi pa lubusang gumagaling ang paa niya, aalalayan ko muna siya.

I Like HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon