Chapter 4

193 18 16
                                    

It was friday afternoon, makulimlim ang langit dahil sa pagbabadya ng pagbuhos ng malakas na ulan, malakas din ang  hangin na humampas mula sa nakabukas na bintana ng classroom.

Bahagya kong inikot ang leeg dahil sa mumunting pangangalay nito sa ilang oras na pakikinig. Nakakapagod umupo maghapon at makinig nang makinig sa mga discussions pero wala ka namang ibang choice, kung hindi mo pagbubutihin ang pag-aaral mo, walang magandang kinabukasang maghihintay sa'yo sa hinaharap.

Iyan ang palaging paalala ng mga nakatatanda.

"Do this activity by partner and submit your papers once you've finished it." saad ng teacher namin sa unahan.

Umingay ang paligid nang magsimulang maghanap ng mga kapareha ang mga kaklase namin. Bumaling ako kay Sam at balak na sana siyang akitin nang biglang makisingit si Miguel.

"Kami partner ni Sam!" pagpaparinig niya sa akin. Kaagad kumunot ang noo ko at itinuon ang palad sa table. Kinuha ko ang aking ballpen at iginuhit iyon sa lamesa ng hindi tinatanggal ang takip.

"Kami ni Sam ang partner, humanap ka ng sa'yo." utos ko sa kaniya. Nakita ko naman na nagsisimula nang magsulat sina Antonio at Gregorio sa unahan namin.

"Wala kang magagawa, naisulat ko na pangalan namin." ngumisi siya sa akin at ipinakita ang isang 1 whole paper na may pangalan na nilang dalawa.

Umakyat ang init sa dugo ko.

"Miguel ano ba?" iritadong anas ko. Heto na naman siya sa pang-iinis niya. Alam naman niya na kaming dalawa palagi ang partner ni Sam tapos makikisingit siya.

Magrereklamo na sana ako nang makita ko siyang nakaharap na kay Sam at kinakausap na ito tungkol sa isusulat nila sa papel. Mas lalo akong naging iritado.

"Humanap ka na kasi ng kapartner mo." natatawang anas sa akin ni Miguel.

"Sinong hahanapin ko?! Wala namang ibang-

Napatigil ako sa pagsasalita nang dumako ang tingin ko kay Andres. Nagsisimula na siyang magsulat sa papel niya. Napalunok ako at hindi malaman kung ano ang gagawin. Ayaw kong gumawa ng mag-isa dahil mas maraming trabaho iyon, baka kahulihan akong matapos dito sa klase namin.

Napapikit ako at pasimpleng sinipa si Miguel sa binti niya. "Aray!" reklamo niya sa akin. Gusto ko siyang sakalin ngayon. Mas malapit sa kaniya si Andres pero si Sam pa talaga ang kinuha niyang kapareha. Nananadya na talaga ang taong ito eh.

Sinamaan ko na lamang siya ng tingin saka bumaling kay Andres na hanggang ngayon ay nakatuon pa rin ang atensyon sa isinusulat. Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang atensyon niya.

"Andres-

Hindi pa man ako natatapos sa pagbigkas ay umangat na kaagad ang paningin niya sa akin. Napalunok ako nang umayos siya ng upo.

"Naisulat ko na pangalan mo." anas niya sa akin. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi pa ako nagsasabi pero naisulat na kaagad niya.

"A-anong maitutulong ko?"

Gusto kong panindigan ang sariling paniniwala ko na nagbago na nga talaga ako. Hindi na ako kagaya ng dati na masyadong tamad mag-aral. Kaya ko nang magkusa ngayon. Kaya ko nang tumulong.

"Wala, kaya ko na 'to." tugon niya sa akin.

"Pero by partners daw. Baka sabihin ni Sir hindi ako tumutulong tapos magkakagrades ako."

Pinagkrus niya ang dalawang braso at sumandal sa upuan niya. Napalunok ako nang makita ang paninitig niya sa akin ngayon. Nakitaan ko rin ng pagpipigil ng ngiti ang labi niya. Umiwas siya ng tingin nang matuon ang atensyon ko roon.

I Like HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon