Chapter 11

142 15 7
                                    

"Bella, hintayin ka na lang namin sa labas ha?" pagpapaalam nina Antonio sa akin bago sila lumabas ng pinto. Tumango lamang ako at kumuha ng walis upang makapagsimula nang maglinis ng classroom.

Halos wala akong nakausap buong maghapon dahil hindi pumasok si Sam, kanina ko pa siya nai-message pero hindi pa rin siya nagrereply hanggang ngayon. Siguro ay nagkasakit siya o ano. Sana lang ay nagsabi siya sa akin kaninang umaga para napuntahan ko muna siya sa kanila bago ako pumasok.

Napatingin ako sa unahan nang pumasok si Ibarra. Kumunot kaagad ang noo ko. Hindi siya cleaner ngayon. Bakit nakikigulo siya rito?

Mas lalong kumunot ang noo ko nang dumiretso siya kay Kate at kinuha ang walis na kanina pa nito hawak pero hindi naman nagwawalis.

"Doon ka na sa labas, maalikabok dito." utos sa kaniya ni Ibarra na hindi naging maganda sa pandinig ko.

Tumikhim ako at bahagyang lumapit sa kanila.

"Punasan mo na lang 'yong blackboard, Kate." anas ko at iniabot sa kaniya ang basahan. Tumingin lamang siya roon at hindi tinanggap ang kapiraso ng tela na ibinibigay ko.

Nakita ko naman ang pag-iling ni Ibarra sabay kuha sa akin ng basahan.

"Ako na nito," aniya at saka muling bumaling kay Kate. "Doon ka na lang sa labas."

"Salamat." todo ngiting saad ni Kate saka lumabas ng classroom. Nag-init ang dugo ko na parang biglang nalamangan. Bumaling ako kay Ibarra na ngayon ay abala na sa pagwawalis sa unahan.

"Alam ko namang close na close kayo." mariing anas ko. "Pero cleaner din si Kate, kung hindi siya maglilinis, anong maitutulong niya?"

Tumigil siya sa pagwawalis at humarap sa akin.

"Kaya nga ako na ang nandito. Ako na maglilinis para sa kaniya." kunot-noong ani rin niya na parang hindi naiintindihan ang ikinagagalit ko.

"Eh bakit nga kailangang ikaw? Bakit hindi siya?" iritadong saad ko.

Pinasadahan niya ng dila ang labi bago muling humarap sa akin.

"Kung ayaw mo ring maglinis, lumabas ka na lang doon at ako na rin ang maglilinis para sa'yo."

Umiling ako at ngumisi sa kaniya.

"Huwag na lang." wala naman akong sinasabi na ayaw kong maglinis. Ang sa akin lang, sana fair sa lahat 'di ba? Naglilinis kami rito tapos si Kate may ibang taga-linis? At bakit kailangang si Ibarra pa? Bakit kailangan niyang ipaglinis si Kate? Ano concern na concern lang? Ayaw niyang mapagod?

Padabog kong kinuha ang eraser at binura ang mga nakasulat sa blackboard. Hindi na ako lumingon pa kay Ibarra at wala na rin akong balak na kausapin pa siya. Siguro malaking parte na rin ng ikinakagalit ko ngayon iyong katotohanan na sa ibang tao niya ginawa iyong bagay na inaasahan kong gagawin niya sa akin. Wala namang kaso sa akin iyong hindi niya akuin ang paglilinis para sa akin. Hindi niya kailangang gawin iyon. Pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin iyon para kay Kate.

Para saan pala ang pagpunta niya sa bahay noong nakaraang sabado? Para saan iyon? Hindi pwedeng magpakita siya ng motibo sa dalawang tao. Bawal 'yon. Nakakagago.

Kunot-noo akong lumabas ng classroom upang ipagpag ang mga eraser na puno ng chalk. Dumiretso ako sa dulong bahagi ng building at doon sana ipapagpag ang mga eraser nang biglang may magsalita sa likod ko.

"May gusto ka ba kay Ibarra?" tanong ng tao sa likod ko.

Saglit akong natigilan at kinabahan ng matindi sa tono ng boses niya. Tumikhim ako at sinubukang itago ang nararamdaman nang humarap ako sa kaniya.

I Like HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon