Chapter 13

138 17 2
                                    

Hindi na ako nagtangkang sundan pa si Sam. Alam ko kung kailan dapat makialam at kung kailan hindi. Kailangan niya ng oras kaya indi ko muna siya guguluhin kahit gusto ko rin ng makakausap at makakasama ngayon.

Gusto kong kutusan si Sam dahil kung hindi pa ako pumunta sa kanila, hindi ko pa malalaman ang nangyayari sa buhay niya. Sa hula ko ay matagal nang nagkakaaway ang mga magulang niya. Siguro ay isa na rin ito sa mga dahilan kung bakit madalas maging matamlay, tahimik at problemado si Sam sa tuwing nasa school. Ibang-iba na siya sa dating siya. Hindi na siya kasing daldal na kagaya dati. Hindi na siya kasing sigla kagaya dati.

Gusto kong palakasin ang loob niya ngayong kailangan niya ako, pero hindi ko naman alam kung paano ko iyon gagawin ngayong kailangan ko rin ng taong magpapalakas ng loob ko.

"Bakit umalis ka na kaagad?"

Muntik na akong mapatalon nang may biglang magsalita sa dilim. Naaninag ko ang paglalakad nito palapit sa akin hanggang sa tuluyan nang matamaan ng liwanag ang mukha niya.

"Inaantok na ako eh." pangangatwiran ko sa kaniya. Bahagyang tumagilid ang ulo niya na parang sinusuri ang kabuuan ko. Nakapasok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng suot na pants at ang bag ay nakasabit lamang sa iisang balikat. "Ikaw? Bakit nandito ka? Hindi ka naman taga-rito ah?"

"Hindi ka rin naman taga-rito, parehas lang tayo."

Suminghal ako at lumakad sa tabi niya upang makabalik na sa highway. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.

"Kung ihahatid mo ako, dalhin mo itong bag ko." anas ko at ihinagis sa kaniya ang dalang bag.

Bahagya siyang nagulat sa inasta ko.

"Wala akong sinabing ihahatid kita." kunot-noong aniya sa akin.

Bigla akong nahiya sa inasal ko. Umiwas ako ng tingin at nag-aalangan kung babawiin ba sa kaniya ang gamit ko o hindi. Nanatili akong nakatingin sa ibang direksyon hanggang sa marinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Mabilis akong napalingon. "Anong nakakatawa, Andres?" kunot-noong ani ko.

Umiling siya at hinawakan ang kaniyang panga.

"Nadischarge na si Kate. Huwag ka ng mag-alala sa kaniya." pag-iiba niya sa usapan.

Hindi naman ako nagsalita. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti naman at hindi naging malala ang nangyari kay Kate. Dahil kung hindi, baka lahat na ng tao sa mundo magalit sa akin.

"Bakit mo pa ako sinundan?"

Hindi na ako magugulat kung nakita rin niya ang pag-aaway sa bahay nila Sam kanina. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya. Nakita kong nakasabit na rin sa isang balikat niya ang bag ko.

"Wala kang kasama pauwi, gabi na at delikado maglakad mag-isa sa kalsada. At kahit naman sabihin mong ayaw mong ihatid kita sa inyo, wala kang magagawa." aniya saka ako nilampasan sa paglalakad.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang. Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa magkasabay kaming dalawa na dati naman ay hindi ko ginagawa. Nanatili akong tahimik sa tabi hanggang sa maalala ko ang isang bagay na matagal ko ng gustong itanong sa kaniya.

"Kailan ka nagsimulang magkagusto sa akin?" wala sa sariling tanong ko na alam kong ikinatigil niya.

Bumaling siya sa ibang direksyon habang naghihintay ako ng isasagot niya. Dapat naiilang ako ngayon o kaya ay nahihiya pero hindi. Bakit masyado yatang naging malakas ang loob ko ngayon?

"O baka naman hindi mo talaga ako gusto? Kaya mo lang ako sinasamahan kasi naaawa ka sa akin?"

Bumaling siya sa akin, iritado. "Bakit ako maaawa sa'yo?"

I Like HimWhere stories live. Discover now