Chapter 23

125 16 0
                                    

Umayos na kahit papaano ang pakiramdam ko kinabukasan. Hindi rin kasi ako pinabayaan ni Lola buong magdamag. Alam kong napagod siya kakatingin sa lagay ko.

Umahon ako sa pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita na umaga na pala. Pagkatapos ay awtomatiko kong nailibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko.

Nasapo ko ang noo nang makita kung gaano kalinis ito ngayon. Ibig sabihin ay nilinis nga ito ni Andres kagaya ng huling nakita ko kahapon bago siya umalis? Nakakahiya, dapat hindi na niya ginawa iyon.

"Ysabella, nandito ang Papa mo." bumukas ang pinto ng kwarto ko at isiniwang niyon ang mukha ni Lola, Papa at ni Kate. Nang tuluyan silang pumasok ay umayos ako ng upo.

"Papa." pagbati ko sa kaniya. Nakakagulat na bumisita siya ngayon dito.

Ngumiti siya sa akin at lumapit. "Sinabi ng kapatid mo na may sakit ka raw kaya dumalaw kami." aniya. Napatingin ako kay Kate at saka tumango. "Hindi mo yata inaalagaan ang sarili mo kaya ka nagkakasakit."

"Nabasa lang po ng ulan noong isang araw." tugon ko.

Sumingit sa usapan si Lola. "Sakitin talaga iyang batang iyan. Tapos ang tigas pa ng ulo, sinabihan ng huwag magpapaulan pero ginawa pa rin."

Napabuntong-hininga ako sa pang-gagatong ni Lola. Kahapon pa siya ganiyan. Nagagalit siya sa akin dahil hindi ko raw inaalagaan ng maayos ang sarili ko. Nadagdagan pa ang sermon nang makisali si Papa. Pinaalalahanan din niya ako na magpahingang maigi.

"Sige, doon na muna kami sa ibaba para makapagpahinga ka pa ng maayos." pagpapaalam sa akin ni Papa. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

"Sige po." tumango rin sa akin ang matatanda.

"Uhm... Daddy, dito po muna ako. Sasamahan ko muna si Bella." pagsingit naman ni Kate na bahagya kong ikinagulat. Tumango sa kaniya si Papa at natuwa pa nga ito sa sinabi ng anak. Iniisip siguro niya'y close na kaming dalawa ng anak niya.

Nang maiwan kaming dalawa ni Kate sa kwarto ko, doon siya tuluyang bumaling sa akin at ngumiti. Hindi ko maunawaan kung ngingiti rin ba ako. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko, nakataas ang kilay.

"Kumusta ka?" tanong niya ng hindi tumitingin sa akin. Naglakad-lakad siya at sinuri ang mga larawan na nakasabit sa pader.

"Medyo maayos na." tipid kong tugon. Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Ibig kong sabihin, kumusta ka? Kumusta ang pakiramdam na naaambunan ng atensyon?" lumingon siya sa akin at ngumiti.

Naging blangko ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya.

"Kung wala kang magandang sasabihin, lumabas ka na lang." seryosong anas ko. Sinasabi ko na nga ba at hindi maganda ang dahilan kung bakit siya nagpa-iwan dito. Napaka-plastik niya talaga.

"Bakit naman? Pinapaalis mo na kaagad ako? Wala man lang tayong bonding." tumawa siya sa akin. Nanghahamak. "Saka bakit hindi mo ako tinatawag na ate? Mas matanda ako sa'yo 'di ba?"

"Oo nga, pero kung umakto ka, parang ikaw pa ang mas bata." nawala ang ngiti niya sa sinabi ko. Natutuwa ako sa naging reaksyon niya, pero hindi ako ngumiti o tumawa.

Saglit lamang ang naging reaksyon niya at ngumiti ulit kalaunan na parang hindi naapektuhan sa sinabi ko.

"Siguro naman masaya ka na ngayon, nakaagaw ka na ng atensyon eh. Napansin ka na ni Daddy at ng iba pa. Mission accomplished ka, congrats!" napahigpit ang hawak ko sa bedsheet dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang sampalin, pero hindi siya abot ng kamay ko ngayon. "Pati si Ibarra gusto mo pang agawin." tumawa siya ng sarkastiko sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Nandidiri. Nanghahamak.

I Like HimWhere stories live. Discover now