Chapter 18

125 18 9
                                    

"Bakit ka ba nagdadabog diyan?" bungad sa akin ni Sam nang makaupo ako sa tabi niya. Hindi ako nagsalita. Nanatili ang masamang tingin ko sa labas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sina Ibarra.

"Ang tagal nila pumasok." wala sa sariling anas ko.

"Sino? Sina Ibarra ba?" tanong niya, hindi naman ako tumugon. Nakita ko ang bag ni Ibarra na nakalagay na sa upuan niya. So nauna talaga siyang dumating. Lumabas lang siya para samahan doon si Kate.

Mabilis akong tumayo.

"Saan ka pupunta?" sigaw sa akin ni Sam. Mabilis naman akong nakarating sa may pinto. Sumilip ako sa labas upang tingnan ang dalawa. Hindi ko sila makita.

Umiling ako at ikinandado ang pinto. Bahala sila kung ayaw nilang pumasok. Dumiretso rin ako sa kabilang pinto at ikinandado ito. Huwag na silang pumasok. Pati ang susunod na teacher, huwag na ring magturo.

"Bella, pakibukas naman ng pinto." sumilip si Kate sa may bintana at tinawag ako. Nasa likod niya si Ibarra.

"Sige saglit lang." anas ko.

Napairap ako pagtalikod ko sa kaniya. Tangina. Nagpakapagod ako rito sa wala. Ako rin pala magbubukas ng pinto para sa kanilang dalawa. Iritado akong naglakad patungo sa pinto. Kinalma ko muna ang sarili bago ko ito binuksan. Sumalubong sa akin ang mukha nilang dalawa. Ngumiti kaagad ako.

Hindi nila ako pinansin. Basta na lang sila pumasok at hindi nagpasalamat sa akin. Bumilis ang paghinga ko sa matinding inis at sama ng loob. Naiinis ako sa kanilang dalawa. Nakakairita. Wala naman silang ginagawang masama sa akin pero nakakairita pa rin.

"Saan ba tumutuloy iyang si Kate?" tanong sa akin ni Sam. Natapos ang klase buong umaga. Lunch na ngayon at nasa canteen na kaming lahat para kumain. Kanina pa kami rito pero hindi pa nangangalahati ang kinakain ko.

"Hindi ko alam." padabog kong ibinagsak ang tinidor. Nagtangis ang bagang ko habang nakatingin sa dalawa. Wala akong pakialam kung saan nakatira si Kate. Mahal na mahal iyan ni Papa kaya hindi siya pababayaan.

"Hindi mo alam? Magkapatid kayo pero hindi mo alam?" tanong pa ni Sam.

"Hindi naman kami close. Baka kapag nagtanong ako, isipin niya nakikialam ako." wala rin akong pakialam kung saan siya tumutuloy ngayon. Wala akong pakialam.

Tumikhim ako at inayos ang upo.

"Uhm... Ibarra, pakiabot naman ng sauce." pakisuyo ko upang maagaw ang atensyon niya. Umangat ang tingin niya sa akin saka lumipat sa lagayan ng sauce na nasa harapan niya.

Tamad niya itong kinuha saka inilapit sa akin. Nadismaya naman kaagad ako. Iyon na 'yon? Walang kasamang ngiti? Walang kasamang salita?

"Salamat!" malakas na ani ko. Tumango lamang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Umiwas ako ng tingin sa matinding pagkainis.

Bakit ganoon si Ibarra? Bakit kayang-kaya niya akong balewalain ng walang kahirap-hirap? Oo ako nga itong umayaw at nagtaboy sa kaniya, pero magulo ang isip ko noon at wala akong ibang pagpipilian. Ako itong umayaw sa kaniya, dapat hindi ganito ang nararamdaman ko. Dapat hindi ako nagpapapansin. Dapat hindi ako naghahangad ng atensyon mula sa kaniya.

Pinili ko ito eh. Mali na guluhin ko pa siya. Pero hindi ko talaga kaya. Ang tagal ko siyang hinintay tapos mauuwi lang kami sa ganito? Ang tagal ko siyang hinintay tapos sa iba siya mapupunta?

Mali 'yon.

Pagkatapos namin kumain, kaagad ko nang hinanda ang sarili ko. Naisip kong hindi ko dapat ipinapaubaya si Ibarra. Hindi pa naman siguro huli para bawiin ko siya 'di ba? Isa pa, hindi ko naman talaga siya ipinaubaya. Ipinahiram ko lang dahil mukhang kailangang-kailangan eh.

I Like HimWhere stories live. Discover now