Chapter 16

141 16 3
                                    

Balik sa dati, pagkatapos ng birthday ni Ibarra, parang wala na ulit kami sa isa't-isa. Nagpapansinan, pero kadalasanan walang pakialaman. Hindi na ulit niya ako kinakausap. Hindi ko rin siya nahuhuling sumulyap o tumingin man lang sa akin.

It makes me think twice if I really made the right decision of choosing my family over him. Ang sabi niya gusto niya pa rin ako, nakakataba ng puso. Ang sarap sa pakiramdam. Kaso nga lang... sa tuwing magkasama sila ni Kate, pakiramdam ko nagsisinungaling lang siya nang sinabi niyang gusto niya pa rin ako. Kasi sa tuwing magkasama sila, nadaig pa nila ang mag-asawa.

"Masakit ba?" tanong sa akin ni Antonio habang kumukuha ako ng kutsara sa may counter ng canteen. Nakatingin ako sa gawi nina Ibarra na nag-uusap at parang walang pakialam sa paligid nila.

Umismid ako. "Wala akong sakit."

Narinig ko ang pagtawa niya sa aking tabi. Kagaya ko ay kumukuha rin siya ng kutsara at tinidor.

"Normal ba sa inyong mga nagseselos ang magmaang-maangan?" mapang-asar na aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ako nagseselos."

"Hindi ba?"

Kumunot ang noo ko at binalingan siya.

"Oo. Iba ako magselos, Antonio. Nananaksak ako." tumawa siya sa sinabi ko.

Sa pagkairita ay iniwan ko siya roon at nagtungo sa table namin. Naroon na silang lahat at kumakain. Ang iba sa kanila, naglalandian. Ang sakit sa mata. Nakakairita.

Pinili ko na lamang na kumain imbes na panoorin ang dalawa sa harap ko. Pansin ni Sam ang mga ikinikilos ko at alam kong alam na niya ang dahilan. Masyado niya akong kilala na ultimo problema ko ay hindi na niya kailangan pang itanong.

Maya-maya lamang, inagaw ni Kate ang atensyon naming lahat. Nakangiti siya, as usual. Lumalabas ang dalawang malalim na dimples niya sa pisngi. Magkatulad sila ng Ibarra.

"Punta kayo sa birthday ko ha? Malapit na iyon." pang-aakit niya sa amin. Tumaas naman ang kilay ko. Kung ganoon ay 20 na siya sa darating niyang kaarawan. Nagtataka tuloy ako kung bakit nasa grade 12 pa rin siya hanggang ngayon. Dapat kasi college na siya kung sakali. Dapat hindi namin siya kaklase ngayon. Hindi ko naman maitanong ang dahilan dahil hindi kami close. Matapos niya ring maospital dahil sa akin, pakiramdam ko nagpa-plastikan na lang kaming dalawa.

"Kailan nga ba birthday mo?" tanong ni Miguel.

"September 23." ngiti niya.

"Sa 23?" gulat na tanong ni Sam at saka napatingin sa akin. "Isang araw lang pala pagitan ng birthday niyo ni Ysabella."

"Talaga?" bumaling sa akin si Kate at ngumiti. "Gusto mo ba sabihin ko kay Daddy na sabay na tayong mag-celebrate?" pang-aalok niya.

Napatingin sa akin lahat ng mga nakaupo sa table. Tumikhim naman ako at pinanatili ang kalmadong mukha nang magtama ang tingin namin ni Ibarra.

"Hindi na, at saka ayos lang sa akin na huwag na mag-celebrate." nineteen na ako sa susunod. Pakiramdam ko ay masyado ng matanda ang edad ko para maghanda o mag-celebrate pa. Isa pa, noong 18 ako, mas pinili ko rin naman na huwag ng gawing engrande ang handaan. Walang 18 roses o kung ano pa man hindi kagaya ng ibang dalaga.

"Pero paniguradong hindi papayag si Daddy na hindi i-celebrate ang birthday mo. Kaya nga sasabihin ko na lang na pagsabayin na ang celebration ng birthday nating dalawa." nagkibit-balikat siya. "Mas magiging magastos at aksayado kasi kung dalawang araw may handaan 'di ba?" dagdag pa niya.

Nagtangis ang bagang ko at nag-iwas ng tingin.

Magastos ba kamo? Aksaya sa pera? Kaya nga sinasabi kong ayos lang sa akin ng walang handaan. Siya lang naman itong mapilit na kung anu-ano pang sinasabi.

I Like HimWhere stories live. Discover now