PROLOGUE

681 16 0
                                    

"IKAW ANG LOBONG ITINAKDA"

Napabalikwas ako ng bangon ng muli ko na namang mapanaginipan ang isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Magubat ang lugar pero magaan sa pakiramdam.

"YUMI!!" Sigaw sa labas ng aking silid kaya dali-dali akong bumangon at nag-asikaso. Nang matapos ay lumabas na ako ng silid at katulad ng aking hinuha. Nakapamewang ang tiya ko sa harap ng aking kwarto.

"Ano pang ginagawa mo? Malilate na ako sa trabaho! Jusme! Julio ang tamad talaga ng pamangkin mo!" Sigaw nito sa asawa.

Yumuko at nagmamadaling tumungo sa kusina upang lutuan sila ng agahan. Nang matapos ay umupo na rin ang tiya ko sa lamesa.

"Alam mo Yumi! Ginagawa ko to dahil mahirap na ang buhay ngayon! Tapos kukupad-kupad ka-"

"Tama na yan!" Putol ni Tito sa sasabihin ng asawa kaya umirap ito ng ubod ng tindi.

"Kung payagan mo na kasing sumama sa akin ang pamangkin mo? Edi sana may pakinabang ang ganda niya!"

"Huwag mo na ngang pakialaman si Yumi, Stella."

Muling umirap si Tita bago kinuha ang gamit at umalis kaya narinig ko ang buntong -hininga ni tito.

"Pasensya ka na Yumi. Kung may magagawa lamang ako." saad nito kaya ngumiti ako rito at hinawakan ito sa kamay.

"Ayos lang po tito."

Baldado na si tito magmula noong iniligtas ako nito sa mga lobo noon at hindi na ito gumaling kaya ganon ang galit sakin ni Tita. May pera si Tito. Napalawak ng lupain niya noon subalit nawala ito dahil ipinagamot namin siya kaya nagtrabaho si Tita bilang GRO sa bayan.

"Yumi. Ang mabuti pa! Bumalik ka na totoong mundo mo. Hanapin mo ang sarili mo at hanapin mo ang Ina mo." Natawa ako sa biro ni tito at hinalikan siya sa noo.

"Tito naman. Patay na si Inay."

"Hindi namatay ang Ina mo, Yumi. Kinuha siya ng ama mo. Nang hari ng mga Lobo." saad ni Tito na nagpahinto sa pagalaw ko.

Si Ama? Hari ng mga lobo?

THE GOLDEN WOLFWhere stories live. Discover now