CHAPTER 16

193 5 0
                                    

"ANO! NASISIRAAN KA NA BA!" tanong ko kay Yuan nang dinala ako nito sa gitna ng feild. Iba ito sa feild kung saan ko pinapalabas ang wolf ko. Nandito kami sa feild ng mismong academy. Dama ko ang tingin ng mga estudyante sa akin.

"sige na. Pampaganda pa to ng katawan."

"Maganda na katawan ko no!"

"Wow Confident." ngumisi kaya inirapan ko at akmang tatalikod kaso hinablot ako nito at hinila sa track in feild.

"Baliw ka na Yuan!"

"Alam ko." saad lang nito. Napailing na lamang ako dahil hindi talaga ako makatanggi sa kumag na to. Kaya pala pinagsout niya ko ng legging at pamp.e na damit. Hayop talaga.

Nakita kong seryoso itong nagwawarm up kaya gumaya na rin ako. Kung kanina ay lumalabas ang pagkawili nito ngayon ay seryoso na lamang ito habang nakatingin sa harap. Ngayon ko lang napansin na maraming nanonood sa amin. Kaya pala muli na naman naging cold ang prinsepe.

Natawa ako sa isip kaya lumingon ito sa akin at inirapan ako.

Bakla to! Sigurado ako.

"One! Two! three!" saad nito at tumakbo kaya sumunod na ako pero wala pa ako nakakaisang lap sa 400 meter ay dama ko na ang pagod pero ito ay mabilis pa rin.

"H-Hindi ko na kaya." saad ko at huminto. Nagpatuloy ito sa pagtakbo kaya yumuko ako at tiningnan ang pawis na tumutulo mula sa buhok ko. Nakapatong ang dalawang kamay ko sa mga tuhod ko kaya nang makakita ako ng nike na sapatos sa harap ay napatingala ako.

"kung gusto mo maging ligtas. Yumi, kailangan mong gawin ito."

Hindi ako umimik kaya muli itong nagsalita.

"Hindi ka magiging matagumpay kung hindi ka maghihirap." saad nito at nagjogging na paalis kaya nagpatuloy ako.

'tama siya. Hindi ito katulad ng entrance exam na pwedeng dayain.'

Ang tunay na pagkapanalo, pinaghihirapan bawat sintemo.

MULI akong tumakbo pero hindi ko na naabutan si Yuan pero nasa likod ako nito. Maganda ang katawan ni Yuan kaya hindi na nakakapagtakang hinahangaan siya ng mga wolf.

Malapit na ako matapos ng may humarang sa harap ko kaya napahinto ako.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Yunho. Tumingin ako kay Yuan at nakitang tumatakbo pa rin ito kaya hindi niya napansin ang kapatid. Nakita ko ang bulungan ng mga tao kaya kinagat ko ang labi ko bago ngumiti ng marahan kay Yunho.

"P-Pwede bang next time nalang? May ginagawa kasi ako." saad ko at tumingin kay Yuan na huminto na sa pagtakbo at mariing nakatingin sa amin.  Malayo ito sa akin dahil nasa kabilang part siya ng oval.

Nagulat ako ng hinawakan ako ni Yunho sa kamay na mariin kaya napangiwi ako.

"Y-Yunho. Masakit." saad ko pero hinila lang ako nito.

"Y-Yunho bitawan mo ako!" saad ko rito pero muli ako nitong hinila.

"Yunho!"

"Tell me? Anong ginagawa niyo ni Yuan? Kayo na ba?"

"A-Ano?"

"Yumi. Mag-iingat ka sa kaniya." saad nito pero nagulat ako ng may dumapong kamao rito.

"Yuan!" Sigaw ko rito at tinulungang tumayo si Yunho pero hinila ako ni Yuan palayo rito.

"Back off!" saad lang nito at hinila ako nito palayo pero hinawakan ako ni Yunho.

"Bakit Yuan? Ano ka ni Yumi? Ako kaibigan niya pero ikaw?" ngumisi ito kaya bahagya akong kinabahan ng humigpit ang paghawak nito sa kamay ko. "Wala ka Yuan. Sagabal ka lang kay Yumi." saad nito.

THE GOLDEN WOLFحيث تعيش القصص. اكتشف الآن