CHAPTER 8

208 8 0
                                    


NANG wala nang tao sa boung gym ay saka lamang ako tumayo para lumabas pero napatigil ako ng makarinig ng isang musika. Mahina lamang ito kaya sinundan ko kung saan ito nanggaling.

Nagmula ito sa likod ng Gym. Piano ang tunog non na bumagay sa taong lumilikha ng musika. Ilang paglalakad pa ay nakita ko na ang pinagmumulan ng kanta. Kaya sumilip ako at doon nakita ko ang likod ng isang lalaki. Matipuno ito pero hindi ko mawari kung nakita ko na. Familiar kasi ang likod nito. Bigla itong tumigil sa pagtugtog kaya nagtago ako sa gilid baka biglang lumingon.

"Lumabas ka na diyan. Alam ko naman na gusto mo ko kaya ka sumunod dito!" Sigaw nito kaya napasimangot ako dahil kilala ko na ito.

'Sino ba naman ang taong pinakahambog sa boung academy'

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito ng hindi lumilingon sa akin kaya naglakad ako at umupo sa tabi nito.

"Alam mo ba na masamang makipag-usap sa tao ng hindi ito tinitingnan?"

"Hindi applicable sa mga gwapo 'yun." saad nito at nagsimula na ulit na magpindot ng mga keys.

"Ang taong gwapo ka ba?" bigla itong lumingon sa akin at ngumisi.

"hindi mo ba narinig ang hiyawan ng mga kababaehan noong first day mo sa school?"

"bakit importante ba 'yun?"

"Oo, para malaman mong gwapo ako." natigilan ako at inirapan ito.

"Maiwan na kita!" Paalam ko pero hinawakan ako nito sa kamay.

"Mahirap magtugtog mag-isa. Baka nais mo lang akong pakinggan" Matamis na ngiti nito na nagpahinto ng paligid ko.

Napabuntong hininga ako at bahagyang tumango.

'omyghad ano to? Hindi kaya nagkakagusto na ako sa hambog na to?'

'Pero no way! Ayoko sa hambog pero hindi naman gwapo'

NAGSIMULA ito sa pagpindot ng keys hanggang sa pumailanlang ang musikang familiar sakin.

🎶 What would I do without your smart mouth?

Drawing me in, and you kicking me out

You've got my head spinning, no kidding,

I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind

I'm on your magical mystery ride

And I'm so dizzy, don't know what hit me,

But I'll be alright 🎶

Pinikit nito ang mga mata na parang may tao siyang pinag-aalayan ng kanta pero sino?

🎶 My head's under water
But I'm breathing fine

You're crazy and I'm out of my mind 🎶

Napangiti ako sa ganda ng boses nito at bahagyang naghmm ng kanta at sumabay na dito sa bandang chorus na.

🎶Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all of you, 🎶

Hindi ko alam kung bakit lumalabas sa balintataw ko si Yuan samantalang si Yvan ang kasama ko. Haysst baliw na ata ako.

Biglang huminto ang tugtog kaya napadilat ako. Tumingin ako rito at napansin kong nakatingin siya sa parte ng mga upuan kung saan nakaupo ang mga nanonood.

THE GOLDEN WOLFWhere stories live. Discover now