CHAPTER 14

191 8 0
                                    


AGAD akong tumakbo at akmang hahablutin yung kwentas ng nilayo niya ito. Sinubukan ko itong agawin pero nagulat ako ng hinawakan ako nito sa kaliwang kamay at agad na dumapo ang palad niya sa baywang ko. Natulala ako lalo na ng makita ko ang paglamlam ng mga mata niya. Ang mga matang walang emosyon. Ngayon ay buhay na buhay na.

"Namiss kita. Akala ko matagal ka nang patay. Yuri."

Napaatras ako pero hinigpitan nito ang pagyakap sakin at naramdaman ko nalang ang pagyuko niya at pagpatong ng ulo niya sa balikat ko. Hindi ako nagsalita ganon din siya basta ko nalang naramdaman ang basa sa braso ko.

'umiiyak siya?'

"Lahat ng Tao. Iniisip na patay ka na. Pero alam ng puso ko na buhay ka. Ramdam ko at tama ako." boung pwersa ko itong tinulak at nakita ko ang mugtong mata nito. Tama ako. Umiiyak nga siya.

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo!"

"Wag ka nang magkaila Yumi! Alam kong ikaw to! O kung hindi mo man naalala ipapaalala ko sa 'yo!"

"Hindi ako ang tinutukoy mo! Isa akong Grey Wolf!"

"UMAMIN NA SI YESHA!" natahimik ako at tiningnan ito sa mata. Hindi ka nila kamag anak. Hindi ka nagmula sa grey wolf dahil galing ka sa mundo ng mga tao."

Napaatras ako at hindi ko napigilan panghinaan ng loob. Pano nagawa ni Yesha to. Agad akong dinaluhan ni Yuan pero ang luha ko sa mata ay hindi tumitigil sa pag-agos.

"Yumi."

"Aalis na ako ulit Yuan. Alam kong gulo lang ang dulot ko sa mundo niyo. Kaya mabuti pang mawala na lang ako."

"Wag mong sabihin yan! Matagal kitang hinintay Yuri."

"Pero alam mo! Alam mong papatayin lang nila ako ulit kapag nalaman nilang buhay ako!" Yinakap ako ni Yuan at boung suyong bumulong.

"Hindi ko hahayaang mawala ka ulit. Pangako Yuri. Hindi ako papayag." saad nito na siyang nagpakalma ng puso ko.

Tinulak ko ito palayo at agad na umalis. Pumasok na ako sa room kaya hindi na ako nito nasundan. Pumasok din ang proof namin at nagsabi lang ng mga bagay na hindi ko naman maintindihan. Pagkatapos ay umuwi na rin ako sa dorma. Kinabukasan, Palabas na ako sa kwarto ng makita ko si Yesha na pababa nang hagdan. Gusto ko itong makausap kaya hinabol ko ito pero nagmamadali din itong umalis..akmang lalabas na ako ng biglang humarang sa daanan ko si Yvren.

"Nandiyan ba si Ynna?" sasagot pa sana ako ng may magsalita sa likod ko.

"Im here. Nagbake pa kasi ako ng cookies pero nasaan si Ate Yesha?" Sa sinabi nito ay agad akong natauhan at hinabol si Yesha. Medyo malayo na ito pero binilisan ko ang lakad subalit may humablot sa braso ko.

"Yumi. Sabay na tayo pumasok." saad ni Yanie kaya napatingin ako sa dinaanan ni Yesha. Nang hindi ko na ito natanaw ay sumama nalang ako kay Yanie.

Malapit na kami sa classroom ng bahagya itong yumuko kaya yumuko rin ako pero hinawakan ako ng nasa harap namin.

"Magandang umaga prince Yuan"

"Isasama ko si Yumi."

"Pe—"

"Napaalam ko na siya." saad nito at hinila ako paalis. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa classroom nila. Nandoon si Yvan na ginagawang tambol ang lamesa. Si Yamara na nagmamake up at si Yvren at Ynna na nagsusubuan.

"Anong ginagawa natin dito?" mahinang bulong ko kay Yuan.

"You should be here because your a Golden Wolf."

THE GOLDEN WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon