CHAPTER 4

248 10 0
                                    

PAGKATAPOS ng nangyari sa Cafeteria mahigit ilang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin ito namamatay. Hindi ko na rin nakita yung lalaki na 'yun maging si Ynna.

"Wala pa ba si Ynna?" tanong ko Isang araw kay Yesha. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa klase namin.

"Wala pa. Baka bukas nandito na sila kuya." tumango ako at muling tumingin sa nilalakaran pero kinurot ako nito sa tagiliran kaya ngumiwi akong humarap sa kaniya.

"Ikaw ha? Namimiss mo si kuya no?" saad nito kaya napairap ako.

"Hambog ang kuya mo kaya malabo yan."

"What if magbago?"

"na malabong mangyari!" hindi na nito nasundan ang pangungulit dahil pumasok na ako sa Room at siya naman ay kinukulit na ni Yunho.

"Wala nga akong Assignment! Mangongopya ako sa 'yo!"

"ano? Bakit sakin? Umasa ako sa 'yo!"

"Edi nga nga tayo!"

"Cut na lang tayo?" nakita kong tumingin sa akin si Yesha kaya umiling ako dito na kinasimangot nito.

"Ang Kj mo talaga Yumi." saad nalang nito at sumunod na kay Yunno.

***

Nang matapos ang klase ay wala pa rin sila Yunho at Yesha kaya mag-isa akong pumunta sa Cafeteria pero puno na doon kaya pumunta na lang ako sa Garden nang makabili ng sandwich. Ayokong kumain ng marami dahil hindi ako sanay kumain ng pagkaing hindi naman ako ang gumawa.

May malaking puno sa garden na may malapad na sanga kaya umakyat ako doon at doon kumain. Nang matapos ay nagbasa na lang ako ng mga notebook hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako.

****

NAALIPUNGATAN ako ng maramdaman ko na tila may nakamasid sa akin kaya minulat ko ang aking mata.

Nakita ko ang lalaking may makapal na kilay. Maputi ito na matangos ang ilong. Umiigting ang panga nito. Familiar siya sakin. Saan ko nga ba siya nakita? Bigla ako nitong tinulak kaya napasigaw ako lalo na ng tumama ang balakang ko sa lupa.

"Ang sama mo!" Sigaw ko pero nagkabit lang ito ng headset sa ulo at pinikit ang mga mata. "Hindi ka man lang magsosorry?"

"Your invading my privacy. Get out!" saad nito at muling pinikit ang mata.

Napatiim bagang ako bago siya binato ng libro.

"Aray!" Sigaw nito pero mabilis na akong nakatakbo. Siguradong gaganti ito.

Pagdating sa classroom ay napabuntong-hininga na lang ako at tumuloy sa upuan ko.

"Anyari sayo?" nagtatakang saad ni Yesha ng makita akong pawis na pawis.

"Okay ka lang ba? Hinahanap ka ni kuya sa Cafeteria kanina." Napasimangot ako sa sinabi nito at hindi na sumagot.

That man!

Ilang sandali pa ay nagturo na ang guro namin at agad namang natapos ang klase. Wala naman ako naintindihan dahil lumilipad ang utak ko sa kung saan.

"Yesha!" napalingon kami sa dumating at nakita namin ang kuya niyang hambog.

"Hi Ganda." bati nito pero inirapan ko lang siya.

"Kuya? Nasaan si Yuan?" tanong ni Yesha na kinakibit lang ng balikat ng isa at napatingin sa kamay na nakasabit sa balikat ni Yesha

"Hoy! Yunho! Layo-layuan mo ang kapatid ko ha!"

"Bakit may angal ka!"

"Oo!" nagtagisan sila ng tingin ni Yvan at bandang huli ay napailing nalang si Yunho.

"Hindi ko naman sasaktan si Yesha." ngisi nito kaya mas lalong sumimangot ang isa.

"Kuya stop it! Yunho is just a friend"

"Yunho? Bakit ba ayaw mong sumama sa toplist?" biglang tanong ni Yvan ng makarating kami sa library. Magreresearch kami about sa history ng Academy.

"Ahm. Si Yesha. Prinsesa din siya bakit di siya sumasali."

"Tigilan niyo kong dalawa nanahimik ako." saad ni Yesha.

"He's right sis. Bakit ayaw mo?"

"Ayaw ko eh. Gulo lang yan."

"same opinion kay Yesha. Isa pa. Half brown at half black wolf ako. Kakaiba kung masasali ako sa prince."

"Half?" singit ko rito

"Yeah. Anak ako sa labas ni Mom" mapait na ngumiti ito sa amin.

"Yeah. Yunho is half blood prince. Half sister niya si Yamara and half brother niya si Yuan."

"Yuan?"

"Yeah. The top 1" inaalala ko ang mukha noon pero hindi ko na matandaan. Muling natahimik ang table namin nang biglang tumunog ang cellphone ni Yvan..

"Hello Yam?" tumingin ito kay Yunho bago ngumiwi. "Fine" saad nito bago binaba ang tawag.

"Hinahanap ka ni Yamara, Yunho. She cooked dinner. Come on." tumayo ito at hinila si Yunho. Si Yunho naman ay hinila si Yesha kaya sumunod na lang ako.

Ito talagang mga ito!

Pagdating sa Room ni Yamara ay nandoon na si Yvren at si Ynna.

"Omygee! Ate!" saad nito at niyakap ako. "Guyz! Siya si Ate Yumi..she thought me to cook!" masayang saad ni Ynna.

"I see." saad ni Yamara at niyaya na kami sa kusina.

Doon ay may nakahain nang maraming pagkain na animo'y may fiesta. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong karaming pagkain.

"Kain na tayo!" magiliw na saad ni Ynna kaya nagsimula na kami pero sa kalagitnaan ay may pabalabag na nagbukas ng pinto at doon pumasok ang lalaking nakita ko sa puno sa garden. Walang emosyon sa mata nito pero nang makita ako ay umalab ang galit sa mga mata nito.

"Anong ginagawa mo rito!" Sabay na sigaw namin na alam kong kinataka ng mga kasama namin

THE GOLDEN WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon