CHAPTER 15

203 6 0
                                    


SUMAMA ang tingin sakin ng lobo kaya bahagya akong napaayos ng tayo.

"Matanda ka na sana naman alam mo kaibahan ng Lobo sa aso." saad nito kaya napasimangot ako.

"Alam ko naman sadyang mukha ka lang aso na nahulog sa siptiptank na puno ng tae."

Lalong sumama ang tingin nito kaya napalunok ako baka bigla akong kagatin nito.

"Ano bang pagpapalaki ang ginawa sayo ni Julio at parang naiwan ata sa pagkabata ang utak mo" napasimangot ako sa sinabi nito at akmang rerebat pa ng umabante ito muli.

"Nilalayo mo ang usapan kamahalan. Ang balahibo ko ay mula sa ginto. Hindi sa tae na iniisip mo." huminto ito at tumingin sa mga mata ko at hindi ko naiwasang mapatitig sa mga mata nito at bigla akong nakakita ng mga imahe.  "Tingnan mo ang nakaraan kamahalan na ako lamang ang nakakaalam" huling saad nito bago ako mapunta sa isang silid. Hawak ni Ina ang isang sanggol at katabi nito ang isang batang lalaki nang bumukas ang pintuan ng silid.

"Yvo. Mahal." masayang bati ni Ina rito subalit napahinto siya ng makita ang malamig na tingin ng asawa sa bata.

"Sino ang batang 'yan."

"Regalo ng Diyos ng mga Lobong si Evan. Ang Anak natin" masayang saad ni Ina at pinahawak kay ama ang sanggol.

"Napakagandang bata subalit tiyak na magtatanong ang lahat kung papaano ako nagkaroon pa ng anak." saad nito at tumingin kay Yvren na ngayon ay nakahawak ng mahigpit sa Ama.

"Ako nang bahala mahal." saad ng reyna.

Ilang sandali pa ay namangha ako sa paligid. Nagkaroon ng mga ginto sa silid habang lumiliwanag ang simbolo na nasa noo ng sanggol at mga palad nito ay umiilaw rin.

Biglang nawala ang imahe at napatingin ako sa harap ko. Nakatayo si Yuan habang masayang nakatingin sa akin.

"Tila. Masaya ka sa iyong nakita pero kailangan na nating umalis." saad nito kaya napatingin ako sa paligid. Kanina umaga palang? Ngayon ay hapon na.

"Hindi ka ba nainip?" tanong ko rito pero umiling ito.

"Simula noong nawala ka. Nasanay na akong mag-isa." saad nito kaya napangiti ako.

Hinatid ako nito sa Dorm namin at agad ding nagpaalam. Nang makapasok ako ay nagulat ako ng sumarado ang pintuan at nakita ko doon si Yesha.

"Wag kang magtitiwala kahit kanino Yumi."

"Anong ibig mong sabihin"

"Hindi lahat ng pinapakita sayo ay totoo."

"Katulad mo?" natahimik ito at nag-iwas ng tingin.

"Hindi ko alam Yumi. Pasensya na kung nasabi ko kay Yuan. Nadala lamang ako ng panibugho."

"Dahil mahal mo si Yunho?" Yumuko ito at bahagyang tumango.

"hindi ko nais ang mga emosyong nakikita ko sa mga mata niya. Ganon din siya noon kay—" hindi nito tinapos ang sasabihin ng bumukas ang pinto at masayang pumasok si Ynna.

"Hello mga ate! Bati na po kayo? I bring foods! let's eat!" masayang saad nito at hinila na kami sa kusina

Pagdating doon ay wala kaming imikang dalawa ni Yesha. Si Ynna lamang ang sige kasalita at kakwento ng mga bagay hanggang sa maligaw ang usapan.

"oo nga pala ate Yesha. Naalala mo noong kaarawan ng Ina ni Yvren? Nabanggit niya yung pangalan ng Golden Wolf? Bakit?"

"Hindi ko alam" simpleng sagot nito habang ako naman ay nagpatuloy sa pagkain.

THE GOLDEN WOLFWhere stories live. Discover now