CHAPTER 7

219 9 0
                                    

"Yumi!" Sigaw ng lalaki sa likod ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor nang sumigaw si Yuhan.

"Hi?"

"Papasok ka na?" nakangiting saad nito kaya tumango ako. "Pwedeng pasabay?" tanong nito kaya huminto ako sa paglalakad at pinanliitan ito ng mata.

"Mr. Yunho. Baka nakalimutan mo na ang ginawa mo sakin?" napakamot ito sa batok at bahagyang ngumiwi.

"Sorry na, Hindi na mauulit 'yun" nahihiyang saad nito kaya hindi ko na lamang siya pinansin naglakad na. Agad naman itong sumunod sa akin at muling nagtanong.

'tss. Kalalaking tao madaldal.'

"Handa ka na ba? First quarter ngayon." napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kaniya.

"Pagsusulit ngayon!"

"Oo. Ihihiwalay na ang nga estudyanteng magaling sa academics." saad nito kaya kumunot ang noo ko.

"Kung ganon may Assessment exam tayo?"

"Assessment?" saad nito kaya napailing ako. Nawala sa isip ko na hindi nga pala to mundo ng mga tao.

"Kalimutan mo na. Si Yesha ba hindi mo kasama?"

"Nauna na siya." natatawang saad nito kaya bahagya ko itong sinapok.

"hala! Ikaw ba ang version 2.0 ni Yesha Grey?" natatawang saad nito kaya napailing na lamang ako.

Simula noong nabully ako sa school na to at niligtas ako ni Yvren. Hindi na ako nakakaranas ng physical abuse maliban na lang sa mga verbal na hindi na talaga nawala pero natatahimik naman sila kapag kasama ko si Yesha or Yunho.

Hindi na rin ako lumapit sa royalties at kapag nalaman kong paparating na sila ay ako na ang umiiwas. Samantalang si Ynna naman ay hindi na ako kinakausap. Bihira na ito umuwi sa dorm at kung uuwi man ay wala na ako or tulog na ako.

"Good day Class. Here is your examination paper. Goodluck to all of you. I know that some of you here are capable to stand their rank up and go to elite class and some of you might stay here in warrior class but remember that Im always be proud of you guyz." mahabang paliwanag ni Maam at agad na nagbigay ng mga exam.

Nang matapos ay muli itong humarap sa amin nang makatayo na sa gitna sa harap ng classroom.

"You may start now and the result will come next week. Start answer and please beware of cheating. Its not nice to continue that act of behavior." saad nito kaya binuksan ko na ang booklet ko at ganon na lamang ang gulat ko sa nakita.

1. How many district the wolland have?

2. How many races does the arcadia have?

Napaangat ako ng tingin at lahat sila ay masayang nagsisagot samantalang ako ay hindi alam..

'anong alam ko dito? Anong arcadia?'

Napabuntong hininga na lamang ako at nagsagot na lamang ng mga sagot na alam ko tulad ng mga name nila Prince Yuan.

Nang sumapit na ang takdang oras sa pagpasa ng papel ay nagpasa na ako at lumabas na.

"pupunta kami sa market. Sasama ka?" tanong ni Yesha kaya umiling ako.

"Hindi na. Nais kong magpahinga." saad ko kaya tumango ito at agad na umalis.

Pumunta ako sa cafeteria at agad na bumili ng pagkain at naghanap ng mauupuan pero hindi ko pa nasisimulan magsubo ng may magsalita sa paligid ko.

"yan na ba 'yung ahas?"

"oo piling royalties."

"Kapal na mukha inahas pa si prince yvren."

THE GOLDEN WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon