CHAPTER 19

203 6 0
                                    


KINABUKASAN ay nagising ako sa mga kumusyon o ingay na nagmumula sa labas kaya kahit masakit pa ang gitnang hita ko ay bumangon ako at sinilip ang labas. Sout ko na ang damit ko kahapon marahil ay binihisan ako ni Yuan..

"Yunho?" saad ko ng makita ito sa labas. Kasama nito ang mga gwardiya sa palasyo.

"Yumi?" kumunot ang noo nito at tumingin pabalik kay yuan bago sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" dagdag nito.

Akmang sasagot na ako ng hinawakan ako ni Yuan at inilagay sa likod niya..

"Wala ka na don Brother." Sinamaan nito ng tingin si Yuan at ngayon ko lang nakita ang pag-igting ng panga nito sa galit.

Kilala ko si Yunho bilang mabait, masayahin, at mapagpasensyang kaibigan pero iba ngayon. Ang mata nito ay punong-puno ng galit.

"Kailangan niyo nang bumalik sa Academya. Nagsisimula na ang 3rd quarter or half moon." saad nito at tumalikod..

"Hindi pupunta si Yumi sa paligsahan." humarap ito sa amin at bigla nitong sinuntok si Yuan na nagpagulat sa akin. Lalapit sana ako kay Yuan ng hinawakan ako ni Yunho at hinila.

"kahit saan kayo pumunta. Mahahanap pa rin kayo ng palasyo. Wag mong kalimutan na malapit na ang kasal ninyo ni Yesha." Nanlamig ako at bahagyang nagulat. Bakit nawala sa isip ko na ikakasal na si Yuan? Ang tanga ko!

"Mapapahamak siya. Alam mo 'yan" saad ni Yuan.

"The moment you let her enter your life. Alam mo nang mapapahamak siya." saad nito at muli akong hinila ni Yunho.

"Bitawan mo ko." saad ko at pilit na hinihila ang kamay ko.

"Ano ba yunho!" saad ko rito pero napabaling ako sa kaliwa nang bigla ako nitong sinampal.

Wala na ang yunho na kaibigan ko. Niminsan hindi ako non sinaktan. Nangilid ang luha ko at tumingin sa mata nito na ngayon ay mababakasan ng galit.

"Bakit palagi na lang siya Yumi!"

"Anong ibig mong sabihin."

"Yumi gusto kita! Ako ang nag-udyok kay Yesha na pilitin ang mga kamahalan na ikasal sila ni Yuan ng sa ganon mawala ang pagtingin mo sa kaniya pero—" lumunok ito at umiwas ng tingin. "Siya pa rin ang pinili mo"

"Hindi nadidiktahan ang puso. Mahirap mapasok sa relasyong isa lang ang nagmamahal." umangat ang tingin ko at umatras. "Yunho, hindi kita mahal."

Muling tumigas ang anyo nito at madiin na hinawakan ang mga kamay ko. "Kung ganon. Gawin natin ang kinabukasan na nakikita ko sa mga mata mo."

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang sinabi nito. Ako ang papatay kay Yuan!

"hindi!" saad ko at pilit na hinihila ang kamay pero di hamak na mas malakas ito.

"Sasama ka sakin at sasali ka sa patimpalak."

"Ayoko!" pilit ko pero hinawakan ako nito sa tuhod at kinarga na parang sako ng bigas.

"Yunho!" Sigaw ko rito pero parang bingi ito.

Ilang sandali pa ay nasa Sports complex na kami kung saan kita ang mga lobo na nasa loob. May portal kung saan sabay sabay papasok ang limang lobo At kapag nawala ang portal ay may Tv na papalit kung saan kita ang mga estudyante. Gitna ito ng gubat at bahagyang nakakatakot. Pinapanood ko ang lima hanggang sa naging lobo na ang isa. Nagkaroon ng pinto sa lugar niya at pumasok doon. Nawala siya sa screen at nagkaroon ng portal sa gilid na malapit sa mga hari at reyna. Kinamayan sila ng mga reyna at hari.

Napatingin ako kay Ina na magiliw na nakatingin sa babaeng lobo na ngayon ay nakaanyong tao na.

"Ina."

THE GOLDEN WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon