EPILOGUE

310 14 0
                                    


After 10 years...

"Ayumi!"

"Sabby! What brought you here?" nakangiting saad ko pero pero para itong kiti kiti na hindi mapakali.

"Remember the Author? Yung palagi kong kinikwento sa 'yo?" saad nito kaya napangiwi ako.

"Oh? What about him?" Him kasi ang alam ko lalaki ito.

"Guess what? Nandito siya sa pilipinas for his book signing ng Golden wolf!"

Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Sampung taon na. Sampung taon ko nang nakalimutan ang wolland at ang pagiging golden wolf pero bakit muli na naman akong hinihila ng bagay na 'yun.

Pinakita nito sa akin ang libro kaya kahit nanginginig ay kinuha ko ito at tinago sa bag. Nagtatrabaho ako bilang saleslady sa national Bookstore sa palawan. Noong lumabas ako sa lagusan noon, isang bangin ang nabungaran ko at sinadya kong magpakamatay. Narealize ko na hindi ko kayang mabuhay mag-isa subalit malupit ang tadhana. Nagising ako nalang ako sa isang kama na napapalibutan ng puti. May mag-asawang bumungad sa akin at tinawag akong Ayumi. There long lost daughter.

NANG makauwi sa bahay ay nagmano ako sa mag-asawang santos at pagkatapos ay nilutuan ko na sila. Pagod kasi sila sa restaurant kaya ako na lamang ang nagluto.

"Ayumi?" napatingin ako kay Mama at ngumiti rito.

"Bakit po Ma?"

"Kailan ka ba mag-aasawa anak? Nais ko nang may bata naman sa bahay. Si Miguel? Hindi ba't nanliligaw siya sa 'yo?"

Si miguel ay anak ng mayor sa Bayan ng Narra pero hindi ko nais mainvolve sa politika at hindi ko alam kung kaya pa magmahal ng puso ko maliban kay Yuan..

"Pag-iisipan ko Ma"
Napangiti ito at tinulungan na akong maghain total ay tapos na rin akong magluto. Nang matapos ay umakyat na ako sa kwarto at binasa ang Libro. Hindi ko alam kung bakit Unang pahina pa lang alam ko nang isa ako sa libro.

Nang matapos ay bigla na lamang akong napahagulgul dahil ang libro. Ang libro ay naglalaman ng buhay ko sa boung Wolland.

Dali-Dali kong binuksan ang telepono at nagdial ng number ni sabby.

"Bakla kailan ang book signing ni Aaron?"

Kinabukasan ay hindi ako mapakali habang nakapila dito sa labas ng sm. Paano ba naman? Napakaraming tao sa loob at sa sobrang dami! Hindi na ako nakapasok pero nagtyaga ako. Dala ang libro ng Golden Wolf pumasok ako sa activity Center kung saan nandoon ang author ng nasabing libro. Nang tinawag na ang number ko ay tumungo ako sa harapan at nangilid ang luha sa nakita. Si Yuan? Buhay ang Yuan ko.

Pinagbigyan ba ng Panginoon ang kahilingan ko.

"Next!" malamig na saad nito kaya binigay ko ang libro sa kaniya. Nang pinipirmahan niya na ito ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Y-Yuan." Napatigil ito sa pagpirma at dahan-dahang umangat ng tingin. Ang mga mata nitong walang emosyon kanina ay napalitan ng pangungulila.

Agad itong tumayo at yinakap ako. Nakarinig ako ng paghiyawan at singhap sa paligid pero ang sarili ko ay parang nakalutang sa ulap. Ang mga amoy niya, ang katawan niya. Niyakap ko ito ng mahigpit, natatakot na baka panaginip lamang ang lahat.

"Yumi. Sa Wakas nakita na ulit kita." hinawakan ako nito sa mukha bago siniil ng halik.

"Pangako, hindi na ako aalis sa tabi mo. Kung si Yurisha MitcH white, Yumi Grey, o si Ayumi santos ka man. Ako pa rin ang Yuan ng buhay mo."

Nagpalakpakan ang paligid pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil masaya ako. Masayang masaya. Worth it ang 10 years kong paghihintay.

He is worth the wait. My one and Only Yuan Black.

"Thank you sa paghihintay." saad ko rito pero kumuha ito ng microphone sa staff at nagsalita.

"Your worth it to wait, Ayumi. My Golden Wolf" saad nito at muling nagpalakpakan ang paligid. Marahil iniisip nila na para sa author ng libro ako ang female lead at si Yuan ang male lead pero ang totoo ay totoo ang nakasaad sa libro at ako ang pangunahing bida sa nobelang isinulat ng lalaking naglalaman ng puso ko.

The End...

THE GOLDEN WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon