CHAPTER 11

202 8 0
                                    

TUMAYO ako at tiningnan silang lahat.

"Wala namang kasalanan si Yuri! Bakit niyo ginagawa to?"

"Ate!" awat sakin ni Ynna pero hindi ko na pinakinggan at agad na yumakap kay Yvren.

Wala akong maalala. Kunti lang pero isa lang ang sigurado ako. Kapatid ko si Yvren at iisa ang ina namin.

"K-kung buhay man si Y-yuri..alam kong hindi siya masaya sa kapalaran niya." bumitaw ako sa kaniya at tiningnan si Ynna na walang emosyon at si Yvan na gulat ang ekspresyon.

"Pasensya na. Nadala lang sa emosyon. Mauuna na ako." saad ko at umuwi na sa dorm.

Nang mga sumunod na araw ay madalas kong nakikita si Ynna at Yesha pero siguro nasanay na rin ako na iniiwasan nila ako kaya hindi na ako naapektuhan sa pag-iignore nila.

Madalas din magsundo si Yuan sa Dorm namin pero walang emosyon ko lamang itong tinitingnan. Samantalang si Yunho ay ilang beses na kumukulit sa akin katulad ngayon. Nakasunod to sa akin habang naglalakad ako paupo sa upuan ko sa cafeteria.

"Talk to me. Yumi? Anong ginawa sa' yo nila Yvren?" hindi ko ito pinansin at nagsimula nang kumain..ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero hindi ko pinansin. Gutom ako kaya bahala sila sa buhay nila.

"Nagkausap na kami ni Yesha." natigil ako sa pagkain pero muli ring bumalik kasi ano namang paki ko sa kanila diba? Relasyon nila 'yun.

"Yumi? Wala ka bang sasabihin?"  Padabog kong nilapag ang Can Juice at malamig itong tiningnan.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Relasyon niyo 'yan at wala akong pakialam. 'yung kay Yvren? Ano namang paki mo doon!"

"Yumi! Kaibigan kita!" mahinang saad nito.

"Kung kaibigan mo ko? Sana di mo ko tinakbuhan noong naghahanap ako ng kasagutan."

"Y-yumi." hirap na saad nito kaya tumayo ako at iniwan ko ito. Nararamdaman ko kasing may mga enerhiyang lumalabas sa akin.

"Malapit na ang End of 2nd Quarter. Sana bago mangyari 'yun magkaayos na kayo ni Yesha para magkakasama na tayo sa Elite Class."

Hindi ko ito pinansin at naglakad na paalis. Dumaan ako sa hallway na walang masyadong tao..Mostly sarado ang mga room dito pero may iisang bukas at dinig ko ang nagtatalo sa loob.

"Ayoko sumama sa elite Yanna!"

"At ano? Papaapi ka sa mga Elite na yun?"

"Alam mo! Kung gusto mo sumama sa mga barkada mong piling maharlika. Bahala ka!" nakarinig ako ng galabog kaya lumapit ako sa pinto. Nakaupo si Yanie sa upuan samantalang si Yanna ay nakatayo sa harap nito.

"Yanie naman! Last year diba sabi mo babawi ka na!"

"Ayoko nga Yanna!"

"Bakit ba nagbago isip mo? Dahil ba sa yuming yun?"

"Wala siyang kinalaman dito" Kumunot ang noo ko at pumasok na.

"Alam kong masamang nakikinig sa usapan pero narinig ko ang pangalan ko. Bakit nadamay ako?"

Namutla si Yanna samantalang si Yanie naman ay agad na tumayo at lumapit sa akin. Hinawakan ako nito sa kamay at hinila palabas pero narinig ko pa ang Sigaw ni Yanna sa loob.

"Yanie! Kambal tayo kaya di tayo pwedeng magkahiwalay!"

DINALA ako ni Yanie sa Feild kung saan tanaw namin ang mga werewolves na naglalaro ng football.

"Kambal pala kayo ni Yanna?" Tumawa ito bago swabeng umupo sa hagdan.

"Yes. Hindi kami Identical twins" tumango ako at humarap sa akin ito.

THE GOLDEN WOLFWhere stories live. Discover now