CHAPTER 18

191 5 0
                                    

KINABUKASAN ay busy ang lahat sa paparating na 3rd Quarter. Makakarinig ka na ng mga huni ng mga lobo sa kakahuyan na siyang nagpakaba sa akin. Natitiyak ko na magkakagulo ang lahat bukas at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Yumi!" Napalingon ako at nagmamadaling naglakad palayo kay Yunho na pilit hinahabol ako.

Sa sobrang tangkad nito at laki ng hakbang nito ay naabutan ako nito at humarang sa harap ko.

"Yumi. Alam ko na ang totoo. Ikaw ang Gol—"

Agad kong tinakpan ang bibig nito gamit ang mga kamay at hinila malayo sa mga tao.

"Anong bang pinagsasabi mo Yunho?"

"Yumi! Alam mo ang lahat ng mga half breed wolf ay may kaniya-kaniyang kakayahan!" saad nito kaya umiwas ako ng tingin.

"H-Hindi ko alam."

"Mahal mo si Yuan? Siya na ba ang mate mo?"

"Mate?" ngumiti ito ng ubos tamis bago tumingin sa langit.

"Malalaman mo na mate mo ang isang tao kapag nakita mo ang sarili mo sa mga mata nito." Tumingin ito sa akin bago marahang ngumiti.

"Noong bata pa ako. Nakita ko yun sayo Yuri kaya lang nagbago ang lahat dahil kay Yuan. Para kay Yuan. Nasira ang pamilya niya dahil sa akin kaya labis ang galit niya. Nang nalaman niyang mate kita, ginawa niya ang lahat para mapalapit sa 'yo." Humarap ito sa akin at nakita kong nangilid ang kaniyang luha. "pero ngayong nakikita ko ang mga mata mo? Yuri alam kong hindi na ako. Hindi na ako ang nakatadhana para sayo. Kaya nais kong malaman kung nakikita mo sa mga mata mo si Yuan?" umiwas ako ng tingin dahil sa totoo lang. Wala. Hindi ko nakikita ang mga sinasabi nito.

Hinawakan muli ni Yunho ang kamay ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"May kakayanan akong makita ang kinabukasan at ikaw. Ikaw ang nakita kong papatay kay Yuan."
agad akong umatras at sinampal ito.

"Manahimik ka na! Pwede ba Yunho!"

"Yuri."

"Tigilan mo na to. Pakiusap." humagulgol ako pero hindi man lang ako nito inalo. Nakatingin lamang ito sa akin hanggang sa kumalma ako.

"May majika ka Yumi. Kailangan mong kontrolin ang lason na maaaring lumabas at sumama sa usok kapag nagagalit ka." hindi ko ito pinansin at nagmamadali nalang na umalis.

"Yumi." napatingin ako sa gilid at nakita si Yuan. May sakit sa mga mata nito habang nakatingin kay Yunho na nakasunod sa akin kaya kinabahan ako dahil alam kong nakita niya ang ginawa ni Yunhong paghawak sa kamay ko.

UMIWAS ito ng tingin at akmang maglalakad palayo ng hinawakan ko ito sa kamay.

"Nais sana kitang makausap" nakita ko ang bahagyang paglunok nito at tumingin sa brasong hawak ko. "Pero mukhang busy ka kasama ng iba."

Kinagat ko ang labi ko at hinarap siya sa akin. "Anong sasabihin mo?"

Hindi ito nagsalita kaya hindi ko alam kung bakit naisipan ko na lang na yakapin ito. "Importante sa akin ang sasabihin mo Yuan."

"Yumi, Oo. Nakipaglapit ako sa 'yo noon dahil mate ka ni Yunho. Galit ako sa kaniya dahil siya ang pinakamalakas na prinsepe pero nang makilala kita. Hindi pala yun ang kailangan ko." Nilayo ako nito bago hinawakan sa mga kamay. "Ikaw ang importante sa lahat Yuri. Hindi ko kailangan ng kapangyarihan o trono basta kasama lang kita." Nangilid ang luha nito pero tumingala ito para matigil iyon.

"pero nawala ka. Noong nagkagulo ang wolland. Ilalayo kita non pero kinuha ka ni Yunho sa akin. Nagpanggap siyang ako. Magkamukha kami noon subalit walang emosyon ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit ka sumama sa kaniya pero nong lumingon siya. Napansin kong sout niya na ang contact lens na kakulay ng mga mata ko."

THE GOLDEN WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon