CHAPTER 13

203 6 0
                                    


NATAHIMIK ang lahat ng mga nakarinig. Ang sunod na nangyari ang pagkalabog ng dibdib ko. Nagsimulang tumalikod ang Reyna at alam kong tutungo ito sa akin kung kaya't dali-dali akong tumalikod. Sa sobrang kakamadali ay may nabangga pa ako pero hindi ko na pinansin. Ang mahalaga ay makaalis ako at makalayo. Oo inaamin kong inasam ko na magtama ang paningin namin ni Ina para malaman niya na buhay pa ako. Na buhay pa ang anak niyang hinayaang mabuhay mag-isa.

"Yumi!" Napalingon ako nang may humila sa akin at napabuntong hininga na nakita si Yanie. Bahagya pa itong hinihingal sa pagtakbo upang mahabol ako.

"Gusto ko nang umuwi Yanie. Kung nais mo pang manatili sa pagdiriwang ay mauuna na ako." saad ko at tumalikod. Ramdam kong sumunod sa akin si Yanie pero hindi nagsalita hanggang sa makabalik kami sa Academya na parang walang nangyari. Tahimik na sa loob ng Paaralan maging sa mga dorm. Alam kong nasa kasiyahan pa ang dalawang prinsesa na kasama ko kaya medyo magaan ang loob kong natulog.

Kinabukasan ay napasimangot agad ako ng makita si Yunho sa harap ng dorm namin.

"Kung hinihintay mo ang Prinsesa marahil ay tulog pa." nilampasan ko ito pero agad itong pumantay sa akin ng lakad.

"Hindi ka sumali kahapon? Saan ka nagpunta?" hindi ako sumagot dahil marapat lamang na walang makaalam na wala ako sa Academya kung hindi ay malalagot kami ni Yanie.

"Tiyak kong ako ang laman ng usap-usapan sa Academya dahil sa galing ko! Ako ang pinakamataas na grado ng elite. Sa wakas makakasama ko na si Yesha." Masayang sambit na kinabigat ng loob ko. Malakas akong napabuntong hininga na kinawala ng ngiti ni Yunho.

"Bakit ba kasi hindi ka umattend kahapon." mahinang saad nito. Bakas doon ang lungkot at pakikiramay pero hindi ko makapa kung bakit ang bigat sa loob ko ng huling sinabi ni Yunho.

Akmang sasagot na sana ako at sasabihing wala ay hindi ko na natuloy dahil sa narinig na dumaan.

"Nasira daw ang kaarawan ng Reyna kagabi?"

Nanlamig ang boung palad ko lalo na ng dumami ang mga estudyanteng dumadalo sa hallway.

"Oo, patuloy raw ang pag-iyak ng reyna."

"Nangangamba ang palasyo ng puting distrito."

"Nakakahabag ang reyna."

Napalunok ako at tumingin kay Yunho na kumunot ang noo at dahil dakilang chismoso itong isa ay humablot ito ng isang babae.

"Ano ba yan." sito nito pero natulala ng makita si Yunho.

"I-ikaw pala. Anong kailangan mo?"

"Anong pinag-uusapan niyo? Bahagya ko kasing narinig ang tungkol sa rey—"

"Ah. Laman ng usap-usapan ang reyna dahil sa pagwawala nito sa pagtitipon."

"Sa anong dahilan?" Nagkibit balikat ang babae at agad na umalis. Akmang haharap na si Yunho ng talikuran ko ito. Wala kaming klase ngayon dahil sa kadahilanang hindi ko pa alam.

"Akala ko ako ang magiging laman ng balita. May alam ka ba dito Yumi?" Umiling ako nagnamadali umalis para iwasan si Yunho at mga tanong nito

"YUMI" tawag nito at hinawakan ang kamay ko. "Alam kong masama ang loob mo dahil hindi ka nakasali kahapon sa hindi ko alam na kad—"

"Nagkasakit ako." putol ko rito at hinablot ang kamay ko pero humarang ito sa daanan ko.

"Ano? Ayos ka na ba? Bakit hindi ka nagpadala sa Clinic?" yumuko ako at akmang tatalikod ng makita si Yuan sa harap ko. Nasa likod nito si Yvan na nakangisi at kuya Yvren na walang emosyon ang mata.

THE GOLDEN WOLFWhere stories live. Discover now