CHAPTER 5

225 8 0
                                    


"MAGKAKILALA KAYO?"

Nagtatakang tanong ni Ynna pero hindi namin ito pinansin lalo na nang lumapit ang lalaki sa amin at ngumisi sa akin.

"Mukhang tadhana ang naglapit sa atin, Binibini."

"Hindi ako naniniwala sa tadhana." masungit na saad ko at umupo bago nagsimula na sa pagkain. Umupo ito sa harap ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin.

Naramdaman ko ang pananahimik ng lamesa namin at maging si Yesha na maingay ay natahimik.

"I have to go." saad ko at nagmamadaling umalis. Naramdaman kong may sumunod sa akin pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin dahil siguradong si Yesha lang 'yun.

Nang makalayo ay bigla na lang may humablot sa akin at ngumisi. "Not so fast. Mi amór" saad nito at hinila ako.

"Bitawan mo ko!"

"No."

"Bitawan mo ko! Sisigaw ako!"

"Wala akong paki!"

"Pwede ba?" Angil ko at hinablot ang kamay ko pero wala na pala ang pwersa niya kaya napaupo ako sa lupa at sinamaan siya ng tingin.

Ngumisi ito at tinaas ang mga kamay. "Opps! Kasalanan mo 'yan. Maganda ka lang pero lampa ka!" Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi nawala ang ngisi nito.

Tumayo ako at pinagpagan ko ang pang-upo ko na lumagapak sa lupa at sinamaan siya ng tingin.

"Wala ka bang sasabihin sa akin?" Mula sa braso ay tumingin ako rito at bakas sa mukha ko ang pagtataka.

"Meron ba?" Kumunot ang noo nito at I Swear. May itim na awra ang bumalot rito.

"Yes! Meron. Prinsepe ako!"

"Tapos?"

"Anong tapos?"

"Pakialam ko kung prinsepe ka man. Lobo ka lang din naman. Hindi ka naman gwapo" Inirapan ko ito at nagmartsa paalis. Naiwan itong nakatigalgal at hindi makasalita.

Pagdating sa Dorm ay wala pa si Yesha at sigurado naman akong kasama na nito si Ynna kaya tumambay nalang ako at nagpalipas ng araw hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ay wala ang dalawa at mag-isa lang ako sa Dorm kaya lumabas na lang ako. Maraming estudyante ang naglalakad sa hall. Ito 'yung mga early birds at isa ako sa mga 'yun.

"Hi"

"nag-iisa si Ms. Ganda."

"Ang ganda niya buti nalang nasama siya kila Yesha."

"Ang ganda niya sana mapansin ako."

Ilan yan sa mga naririnig ko habang naglalakad ako sa hallway. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin kaya kinagat ko na lang ang labi ko at muling naglakad pero nagulat na lang ako ng may umakbay sa akin.

"Nag-iisa ka ata?" napaangat ako ng tingin at nakita ko 'yung isa sa mga lalaki sa Royalties. Narinig ko ang pagtawa nito at naramdaman ko rin ang pabitaw nito sa aking mga balikat. "Your so adorable like my Mom. Btw Im Yvren White. Nice meeting you Ms?"

"Im yumi—"

"My.Property."  Naputol ang sasabihin ko ng may lalaking humawak sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kaniya.


NAGULAT kaming pareho ni Yvren ng may humapit sa akin. Agad ko naman itong siniko na kinangiwi nito.

"Pare!" saad ni Yvren kay yuan na tinanguan lang ng isa.

"Di ko alam na may girlfriend ka na pala." saad ni yvren at ngumiti rito bago humarap sakin. "Mauuna na ko, Yumi. Nice to meet you!" saad nito at naglakad na paalis.

Nang hindi namin ito matanaw ay binitawan na rin ni yuan ang balikat ko at nilagay sa bulsa bago naglakad na palayo.

Saka ko lamang napansin na may mga tao na nakapalibot sa amin at lahat sila ay mababakasan rin ng gulat katulad ng nararamdaman ko.

"Si Yuan 'yun diba?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang pagtataka sa mata ni Yamara.

"O-oo" saad ko dito kaya napatingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Stay away from him" saad nito at agad na naglakad palayo.

Hindi ko alam kung bakit at anong nangyayari pero isa lang ang masasabi ko. Pinagtitripan ako nang prinsepe ng mga yelo.

"Yumi!" Agad na sigaw ni Yohan ng papasok na ko sa classroom.

"Oh bakit?" ngumisi ito at agad na pumasok sa room kaya napakunot ang noo ko. Kinakabahan kasi ako sa pagngisi nito sakin.

"Ms. Yumi!" Galit na bungad sakin ng Professor namin sa English. Binaba nito ang salamin  na nagpapatunay na galit na ito. "Your 5 mins. Late! Naunahan ka pa ni Yohan!" Napatingin ako kay yohan na nakatingin sa bintana na akala mo ay walang kasalanan.

"Dahil diyan! You need to be punish! Follow me!" saad nito at naglakad na palayo habang ako ay hindi makapaniwala lalo na nang maghiyawan ang mga kaklase ko sa tuwa.

"Salamat Yumi!"

"walang exam."

"Angel si Yumi ligtas tayo."

"lagot ka" saad ng mga kaklase ko kaya kahit na kinakabahan ay sumunod na ko sa guro namin na kanina pa lumabas.

ILANG sandali pa ay pinagawa na sakin ang malupitang parusa ni Prof. Pinasulat niya lang naman ako ng "Sorry hindi na po mauulit" sa boung blackboard kaya naman sobrang sakit ng kamay ko ng matapos ako. Wala nang mga klase kaya wala na rin estudyante sa mga rooms na naging dahilan kung bakit napakacreepy ng lugar.

"Kailangan ko nang umuwi." saad ko dahil maabutan na ko ng Free hours.

Habang naglalakad ay mas lalong nagtindigan balahibo ko pakiramdam ko ay may sumusunod sakin kaya binilisan ko ang paglakad hanggang sa may bell na tumunog. Hindi ko alam kung para saan 'yun dahil sa tagal ko rito ay hindi ko pa narinig yun. Mabuti na lamang at nasa loob na ko nang dorm namin.

"Yumi!/ate!"  Sigaw ng dalawa at lumapit sakin.

"Ate ayos ka lang?" Nag-aalalang saad sa kin ni Ynna kaya tumango naman ako.

"Ano bang pinagawa sayo ni prof at inabot ka ng ganitong oras? Alam mo naman na delikado hindi ba?" paliwanag ni Yesha kaya napabuntong hininga ako at niyakap silang dalawa.

Naramdaman kong nangingilid na ang luha sa mga mata ko kaya ginawa ko ang lahat para hindi ito tumulo.

"ate? Ayos ka lang po ba talaga?" alalang tanong sakin ni Ynna kaya hindi ko napigilan ang pag-iyak.

Boung buhay ko walang nag-alala sakin ng ganito maliban sa tito ko. Masaya akong makilala ko sila..

"Wala naman Ynna. Nais ko nang magpahinga." Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at agad na kong pumasok sa kwarto at doon binuhos ang pangungulila at pasasalamat. kung nandito lang si Inay, Hindi ko sana mararanasan mag-isa. Nagpapasalamat ako sa mga bago kong kaibigan dahil kahit papaano masaya pala magkaroon ng kaibigan.

THE GOLDEN WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon