CHAPTER 17

187 6 0
                                    


NAPANGITI ako ng mapansin kong nahihiya ito hanggang sa makarating kami sa tree house. Dito na kami madalas tumambay simula noong nagsimula ang training ko sa kaniya. Hindi ito makatingin sa akin kaya ngiting-ngiti ako habang nagluluto sa kusina. Nang matapos ay tinawag ko na ito kaya pumunta na rin ito sa kusina.

"Kain na" ngiting ngiti kong saad na kinasimangot nito.

"Yumi? Ganoon ka ba kamanhid?"

"Eh? Bakit ako sinisisi mo? Diba dapat sinabi mo po"

"Dapat pa bang sabihin 'yun?" Nahihiyang saad nito kaya natawa ako.

"Kailan ang kaarawan mo yuan?" pag-iiba ko na lamang ng usapan. Mukha kasing hindi ito mapalagay.

"Isang linggo bago ang 3rd quarter." tumango ako sa sinaad nito at nilabas ang camera.

"Ano 'yan?" Kuryusong saad nito kaya pinicturan ko siya at nagprint kaagad ang dlsr.

"Ang pogi naman" ngiti ko kaya lumapit ito.

"Astig!" saad nito habang namamanghang kinawakan ang camera.

"Galing ito sa mundo ng mga tao?" tumango ako at pinicturan ang sarili. "Saan galing ito?" tanong nito kaya napangisi ako.

"Nadampot ko ito" nanlaki ang mata nito at binalik ang camera.

"Baka may maghanap."

"Sus! As if namang merong marunong gumamit nito." Saad ko kaya tumango siya.

Kinuha niya ang mga printed na picture ko at picture niya.

"There! So that everyone who come here knows that is our safe haven" napangiti ako sa sinabi nito at pinicturan siyang nagdidikit ng larawan.

"Halika Selfie tayo!" saad ko at hinila ito.

Nagselfie kami na nakaakbay siya sakin. Nakahalik sa noo ko. Nakawacky kami. Nakataas kilay. Nakasimangot at iba't ibang angulo pa.

"Tama na 'yan. Kumain na tayo" saad nito kaya tumango ako tinabi ang camera.

Nang matapos kumain ay nagpaalam itong aalis lang saglit. May bibilhin daw ito kaya naisipan ko nalang naghalungkat ng gamit ko pero nagulat ako ng makita ko ang sulat na nakaipit sa notebook.

Yumi,

Alam ko na ang totoo. Kung sino ka. Nais kitang makausap pero hindi ako hinahayaang makausap ka ni Yuan. Hindi ko alam kung bakit pero nais kong gwardiyahan mo ang puso mo. Yumi,  wag mong hayaang maulit muli ang nakaraan...

Yunho.

Agad akong kinabahan sa nakasulat kaya nilukot ko ito saktong pagdating ni Yuan.

"Yumi. Ginawan kita ng Diary. Meron din ako nito pero di ko papabasa sayo" saad nito at nagpatuloy sa pagkikwento pero ang utak ko ay tulala. Iniisip ang nakalagay sa sulat. Ano ba ang totoo Yuan? May plano ka ba? Anong sinasabi ni Yunho. Ano ang totoo?

Paano ko gagwardiyahan ang puso ko kung mayroon siyang susi nito.

"TULALA KA!" kalabit sa akin ni Yuan kaya agad akong natauhan at kinolekta na ang mga gamit na nakakalat.

"Mauuna na ako Yuan." Paalam ko rito kaya tumayo na rin ito at hinatid ako sa dorm. Nang mga sumunod na araw ay ganon pa rin. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang nakalagay sa sulat dahil mas nafocus ang atensyon ko sa parating na kaarawan ni Yuan.

"Yuan?" Tanong ko rito. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway. Kakatapos lang ng training namin. Kung dati ay nahihirapan ako sa pagtakbo ngayon ay nakakaya ko na ng limang ikot.

THE GOLDEN WOLFWhere stories live. Discover now