CHAPTER 10

198 8 0
                                    


NANG maihatid na si Yunho sa clinic ay agad din kaming sumunod na mga kaklase niya. Dinig ko ang mga tawanan ng mga kasama ko lalo na ang mga Boys na kinakantyawan ang kawawang Lobo.

"Niminsan hindi 'yun napatumba ni Yesha! si yumi lang pala katapat."

"Baka kapag ako naman nasapak ni Yumi baka matuluyan ako."

"Mukhang may hahangaan na naman ako ah!"

Mga bulungan ng mga kaklase ko pero hindi ko na pinansin. Hindi ko alam kung bakit nahimatay si Yunho gayong hindi naman malakas ang pagkasuntok ko.

"Prof!" Sigaw ko at agad na tumakbo palapit sa prof na naghatid kay Yunho sa clinic. Hindi kasi kami pinasunod dahil senermunan pa kami at binigyan ng punishment. Mabuti na nga lang at hindi nagalit ang mga kasama ko sa halip ay tuwang tuwa dahil sa nangyari.

"Kamusta po si Yunho?" Tanong ko dito. Tinapik ako nito at bahagyang tumango.

"He's okay. Hindi ko na nakausap ang nurse dahil may urgent meeting pa ako sa Mahal na Reyna."

"Iniwan mo po si Yunho sa clinic?" Nang aakusang saad ng Tomboy kasama namin. Kung hindi ako nagkakamali,  Yanie ang pangalan nito.

"Well? May kasama naman siyang babae. Si Princess Yesha." saad nito kaya natahimik ako at napaisip..bakit kasama niya si Yesha?

"Ang mabuti pa? Samahan niyo nalang ang kamahalan." saad nito at umalis kaya naman nagsimula nang maglakad ang mga kaklase namin.

"Okay ka lang?" napatango ako sa nagsalita kahit na hindi ko alam anong pangalan.

"Syempre Yanie! Anong tanong 'yan!"

"Shut up Yanna!"

Tumingin ako sa harap ko at nagsimula nang maglakad kaya naglakad na rin sila.

Pagdating sa clinic ay wala pa ang mga kaklase namin siguro ay wala sila dito at umuwi na lamang.

Malapit na ako nang matanaw ko na may palabas kaya nagtago ako sa gilid ng semento at sumilip. Lumabas si Yesha na umiiyak? Umiiyak? Bakit?

Nang mawala na ito ay pumasok na ako at agad na pumunta sa loob. Nakita ko si Yunho na nasa Kama at nakapikit pero umuungol ito na parang takot na takot.

"Y-yurisha!" saad nito kaya kumunot ang noo ko. Yurisha?  Narinig kong tinawag ako ni Ina dati nito. Kaso mas maigsi daw pagYumi kasi Yurisha Mitch ang pangalan ko.

Anong nangyayari sa kaniya! Nasisiraan na ba siya?

"Y-yu—" Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng hinampas ko ito ng unan sa mukha.

"Hoy! Nasuntok ka lang naalog ba utak mo?" sinamaan ko ito ng tingin at ganon din to sakin.

"Hindi ka ba naawa sa akin Yumi? Pagod ako!"

"Kaya pala ibang pangalan binabanggit mo." natigilan ito at tumingin sakin na namumutla.

"A-anong pangalan?"

"Yurisha." ngisi ko na dahilan ng mas lalong pagkawala ng kulay sa mukha nito.

KUMUNOT ang noo ko at akmang magtatanong ng pumasok sa pinto ang babaeng nakangiti.

"Hello." saad nito at natahimik ng makita ako sa tabi. "Hindi ikaw ang kasama niya kanina?" Ngumiti ako at tumango.

"Ako po si Yumi, kaibigan niya." nanlaki ang mata nito at agad na humalakhak.

"Im Yssa. Nurse Wolf ng academy. Ikaw pala ang sinasabi ni Prof Yllisa." tumingin ito sa amin at tumingin sa notebook.

"Base on my information, He need some rest. Kaya isang suntok lang ay nakatulog agad. Ilang araw mo na ata pinuyat ang kaibigan mo!" nanlaki ang mata ko at akmang sasagot pa ng magpaalam na ito paalis at sinabing pwede nang lumabas si Yunho.

THE GOLDEN WOLFOnde histórias criam vida. Descubra agora