CHAPTER 2

346 10 0
                                    

HUMALAKHAK ako sa sinabi ni Tito at umiling.

"Tito ang gandang biro naman niyan! Hindi po nakakatuwa." ngisi ko rito pero seryoso itong tumingin sa akin.

"Hindi ako nagbibiro Yumi. Bakit hindi mo alamin ang katotohanan. Tumungo ka sa Malayan Forest. Mayroong malaking puno roon na nagliliwanag. Mayroong lagusan patungo sa Wolland."

"Wolland?"

"Oo. Wolf land o mundo ng mga Lobo." natawa ako at tumalikod sa sinabi nito.

"maiwan ko na po kayo!" saad ko at umalis na.

Pumunta ako sa school hindi upang mag-aral. Pumunta ako rito upang magtinda sa mga brat Students.

"Yumi! Late ka ata?" tanong sa akin ng isang waitress na si aling Mila kaya tumango ako rito.

"Opo." saad ko nalang at nagsimula nang magtulong. Nang nag alas-tres ay umuwi na rin ako pero pagdating sa Bukana ng Malayan Forest ay napahinto ako. Boung maghapon kung iniisip kung totoo ba ang sinasabi ni Tito o nagbibiro lang siya.

'Private Property' Yan ang nakalagay sa bakod kaya napalunok ako. Wala namang masama kung aalamin ko kung totoo? Pero ang impossible talaga eh.

"Delikado sa lugar na 'yan." Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko kaya napatalon pa ako at nang makita ang matandang may bitbit ng tungkod ay kumunot ang noo ko. "Maraming delikadong nilalang ang namumuhay sa lugar na iyan. Kapag pumasok ka hindi ka na makakabalik."

"Lola!" Hindi ko na nasagot si Lola dahil hinila na ito ng babaeng kasing edad ko lang rin.

"Pasensya na sa Lola ko." saad nito at hinila na ang Lola niya.

Muli akong tumingin sa malalaking mga puno na nakapaloob sa malayan Forest. Noong bata ako? Mahilig na akong magbasa ng ukol sa mga Lobo kaya maganda siguro kung papatunayan ko 'yun?

Unti-unti akong naglakad patungo sa loob at kahit na medyo padilim na ay hindi ko inalintana. Wala akong nararamdaman na takot hanggang sa hindi ko namalayan na nakalayo na ako sa highway at ang makikita mo nalang ay ang malaking puno na pinapalibutan ng mga alitaptap. Mayroong batis sa gilid nito na nagpaganda lalo ng konsepto ng lugar.

Papasok ba ako? Tanong ko sa sarili lalo na nang mapansin kong may pintuan sa loob ng puno. Para siyang kweba subalit hindi mo matatanaw ang loob.

Bahala na! Sagot ko sa isip at humakbang na papasok.

***

NAMANGHA ako sa nakita nang makapasok ako sa loob ng lagusan. Mula sa gubat na paligid ay napunta ako sa malaparaisong Lugar. Malapag na hardin ng mga bulaklak ang naroroon at ang tanging lagusan ay isang poste ng swing.

Teka? Kung totoo ito ibig sabihin totoo ang sinasabi ni Tito.

"Sino ka?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Nakakunot ang noo nito at lumapit sa akin.

"Ako si Yumi."

"Yumi? Bagong ngalan. Ako pala si Yesha. Halija na at mahuhuli na tayo sa enrollment!" saad nito at hinila na ako.

Aangal pa sana ako pero tila ito nagmamadali dahil hindi nito pinapansin ang pagtawag ko sa kaniya.

Mula sa malawak na hardin ng mga bulaklak ay napunta kami sa lugar na napakaraming tao at para itong pamilihang bayan sa lugar.

"Hayss nakarating din!" Saad nito kaya napatingin ako sa harap namin at nanlaki ang mata sa nakita. Isang napakalaking paaralan.

"Halika na Yumi!" Akmang hihilain ako nito ng umatras ako

"Yesha, Hindi mo naiintindihan..hindi ako mag-aaral rito dahil kailangan ko nang umuwi." kumunot ang noo nito at nameywang.

"Kapag hindi ka nakapasok ngayon. Sasarado na ang pintuan ng paaralan at kapag nangyari 'yun hindi ka na makakaaral kaya halika na!" Saad nito at hinila na ako.

Siguro dahil sa mga sinabi ni Tito sa akin kaya sumunod na rin ako. Gusto kong makitang muli si Ina. Naalala ko pa noon kapag nadadapa ako, naririyan siya upang ihipan ang mga sugat ko. Tuwing may sakit ako, nilulutuan niya ko ng mainit na sabaw. Sinusuklay din nito ang aking buhok at palagi niyang ikinikwento ang tungkol sa prinsepe na umibig sa isang mortal.

"Yumi!" Nagulat ako nang pinitik ni Yesha ang aking noo kaya humarap ako sa kaniya at ngayon ko lang napansin na nasa loob kami ng Covered Court. Maraming estudyante ang nakapila at isa na kami ni Yesha sa mga yun.

"Ayos ka lang ba? Tulala ka." saad niya kaya umiling ako.

"Pasensya na ngayon lang ako makakapasok sa paaralan kaya ganto."

Nagtataka itong tumango at tumingin na sa harap dahil umabante na ang pila.

Ilang oras din ang tinagal namin doon mabuti nga at hindi na nagtanong si Yesha sa akin.

Nang ako na ang magsusulat ay ginaya ko na lamang ang mga sinulat ni Yesha at nang matapos ay sumunod na rin ako sa kaniya. Napangiti ako nang mapatingin sa malaking arko ng Wolland Academy. Kahit sa mahiwagang mundo lang na ito. Atleast mararanasan kong maging isang mag-aaral.

CHAPTER 3

PUMASOK kami ni Yesha sa malaking auditurium at umupo kami sa bleachers na nakahelera sa bandang kanan. Kung tutuusin mukhang simpleng paaralan lang ito pero may kakaiba talaga sa lugar na ito at 'yun ang nais kong alamin.

"GOOD DAY LADIES AND GENTLEWOLF OF WOLLAND!" biglang saad ng isang babae sa screen. Nagkaroon ng malaking parang Tv sa gitna at doon ay may nakapaloob na video at hugis cube ito at dahil palibot ang estudyante ay saktong sakto ito ang posisyon nito para makita namin siya.

"Sa mga bagong Estudyante nais kong malaman niyo na may Apat na semester ang paaralang ito kung saan nagkakaroon ng palakasan o tagisan ng lakad ang bawat lobo. Una ang First Quarter, 2nd Quarter, New moon, and last is the Halfmoon or finals." nagpalakpakan ang lahat samantalang ako ay natulala.

Wolf?? Totoo sila? At nandito ako sa paaralan nila.

"Katulad ng nakagawian. Nagkakaroon tayo ng Top 5 Wolf. Uunahin natin ang Top 5! Yamara Brown!" Lumabas ang larawan ng may babaeng maamo ang mukha at kulay brown na mga mata.

"Top 4, Ynna Black." lumabas ang larawan ng babaeng itim ang mga mata. May bangs ito at pulang pula ang mga labi.

"Top 3 Yvan Grey!" Nagsigawan ang mga babae sa isang area kung saan nakaupo ang mga sophomore. Ilang sandali pa ay Lumabas ang larawan ng lalaking may kulay asul na mga mata. Makapal ang kilay nito at may matabang pisngi.

"Malapit si Yvan sa mga sophomore." Bulong ni Yesha sa akin kaya tumango ako.

"Top 2, Yvren White." mas lumala ang ingay lalo na at may ilang senior na ang humihiyaw. Maputi ang lalaki. Mayroon itong dimple sa pisngi at may magaang awra.

"And Lastly our top 1! YUAN BLOCK!" Mas nagkagulo ang boung hall lalo na ng lumabas ang larawan ng lalaki. Maitim ang mata nito. Mukha itong masungit. Makapal ang kilay at may pagkapangahan na bumagay sa kaniya."

"He's a prince." bulong ni Yesha pero natulala lang ako sa nakita lalo na nang magcollage ang larawan ng apat. Si Ynna at Yuan ay may parehas na hubog ng mukha.

"Yesha?"

"Hmm" sagot lang ng katabi ko dahil busy ito sa kakatili.

"Bakit nagsisimula sa Y lahat ng pangalan sa Wolland?" Kumunot ang noo nito sa tinuran ko bago tumawa.

"Ano ka ba naman Yumi! Syempre nasa batas nating mga Lobo ang bagay na 'yun!" Sagot nito na siyang kinanganga ko.

THE GOLDEN WOLFWhere stories live. Discover now