CHAPTER 3

268 11 0
                                    

HINAWAKAN ako ni Yesha sa baba at sinarado ang bibig ko.

"Laway mo be" nakangising saad nito kaya muli akong tumingin sa screen sa taas. Nagsasalita na ngayon ang babae sa screen at nagpapaliwanag ng mga batas na hindi ko naman maintindihan.

Ilang sandali pa ay natapos na rin ito at nawala na ang screen samantalang si Yesha ay hinila na ako sa labas.

"Alam mo ba? Wala pang babaeng Grey wolf ang nakasali sa top 5!" saad nito habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumasama na lang ako sa kaniya dahil isa lang naman siyang kilala ko rito sa mundong to.

"Sabagay. Hindi naman kasi sumasali sa finals ang mga kalahi namin. Maliban kay Prince Yvan. Siya lang mahilig sa ganoon"

"Kalahi niyo?"

"Oo. Ako nga pala si Yesha Grey."

"kung ganoon? Grey wolf ka?" tumango ito at huminto.

"Ikaw ba? Saang distrito ka?" Natahimik ako sa sinabi nito.

"H-hindi ko alam. Yesha, hindi naman ako Lobo. Nanggaling ako sa mundo ng mga tao." napatulala ito sa sinabi ko pero saglit lang dahil muli itong humagalpak ng tawa.

"wag kang nagbibiro at isa pa. impossible yun lalo na at isinarado na ang lagusan sa mundo ng mga tao"

"Hindi ako nagbibiro." lumingon sa paligid si Yesha at nagmamadali akong hinila sa garden.

"Yumi! Kung totoo man 'yan. Hindi mo pwedeng ipagsabi sa iba. Kung hindi mapapahamak ka! Ipalabas na lang natin na isa kang grey wolf!" bulong nito kaya tumango ako. Napabuntong hininga ito at hinawakan ang kamay ko. "alam kong mabait ka. At sa ilang oras nating magkaibigan? Malapit na ang loob ko sayo kaya hindi ako papayag na mapahamak ka!" saad nito at yinakap ako.

"halika na sa dorm. Malapit nang maghapon. Bawal kang maabutan sa labas ng alas sais ng gabi" saad nito at hinila akong muli.

"Bakit?" tanong ko habang naglalakad.

Hindi ito nagsalita at huminto lang nang nasa tapat na kami ng isang kwarto.

"Dahil freetime ng mga Lobo ang ganoong Oras. Hindi ka pwede dahil baka malapa ka wala kang laban." natatawang saad nito at kumatok.

"Pasok!" saad ng babae sa loob kaya pumasok kami.

Naghahain ito ng pagkain at nang makita kami ay ngumisi ito.

"Welcome"

"Princess Ynna." Yumuko si Yesha kaya yumuko rin ako.

Si Princess Ynna yung babaeng pang apat kanina. May maitim na buhok at medyo makapal ang kilay mukha itong masungit pero sabi nga nila don't judge a book by its cover.

"Hanggang dito ba naman igagalang ako. Pwede bang 'wag niyong isipin na anak ako ng reyna ng Black District." nakasimangot na saad nito kaya tumango kami. "Sige kumain na kayo ng hinanda ko. Masarap yan" ngisi nito at excited na pumasok sa silid na kulay itim.

"Tara. Pinaghain tayo ng kamahalan." ngiti nito kaya umupo na kami at kumain.

Pagkasubo ko palang ay nais ko na sanang iluwa sa alat pero naalala ko sa mundo nga namin walang gantong mamahalin akong nakakain. Puro tira lang ni tita.

Tumayo si Yesha at sumuka sa lababo kaya napatingin ako rito.

"Okay ka lang?" tanong ko pero umiling ito. Akmang sasagot pa siya ng lumabas si Princess Ynna galing sa kwarto niya.

"Hindi Ba masarap?" nakangusong saad ni Ynna kaya umiling ako.

"Ayos lang naman kamahalan. Kunting practice pa at sasarap din ito." namula ito at umiwas ng tingin.

THE GOLDEN WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon