CHAPTER 9

193 9 0
                                    


YUMI P.O.V

MABILIS na lumipas ang mga araw na animo'y parang kahapon lang. Ang samahan namin ni Yesha ay hindi na bumalik sa dati dahil busy na ako sa warrior.. Ang madalas kong kasama ay si Yunho. samantalang ang Royalties ay wala.

"Good morning Yumi!" Bati sakin ni Yunho. Ang partner in crime ko.

"Good morning Yunho." bati ko at kinuha ang inabot nitong meryenda. Pansit ito kaya napangiti ako at nagpasalamat.

"kaya pa?" tanong nito kaya tumango ako.

"Bakit naman kasi Ganon? Ang hirap." reklamo ko na kinatawa nito. Sinong di magrereklamo..pinatakbo kami sa feild at kada araw ay dumadagdag ng isang lap sa oval ang takbo namin. Papatayin ata nila kami.

"Next semester, kapag nakapasa na tayo. Survival nalang ang kailangan nating pasahan."

"Mahirap ba 'yun?"

"Syempre." saad nito kaya napabuntong hininga ako.

Ilang sandali pa ay dumating na ang Prof namin kaya pumunta na kami sa feild.

"Last time ay natuto na kayong magmaximize ng stamina niyo. This time mag-aaral tayo ng sparring at mga tamang pwesto sa pag-atake." saad nito at pinakita sa amin ang mga dapat naming matutunan. ilang sandali pa ay natapos na ito at kinuha na ang mga gamit. "Magpractice na kayo today , dahil bukas na ang sparring niyo." saad nito at umalis kaya umalis na rin kami.

"hindi ko napansin si Yesha ngayon" komento ko habang kumakain kami sa cafeteria. Hindi lang pala si Yesha pati ang Royalties.

"Kaarawan ngayong ng Hari ng mga puting lobo kaya wala sila dito." saad nito kaya napatango ako.

"Maganda ba ang Kamahalan?"

"Sobrang ganda. Kaso wala silang anak na babae eh. Si Yvren lang ang anak nila pero ang sabi ng iba may anak daw sa labas ang reyna na tinatago nilang lahat."

"Talaga? Saan naman tinatago?" nagkibit balikat ito at tumahimik. Akala ko hindi na ito magsasalita pero nagsalita siyang muli.

"Matagal na panahon na rin kasi 'yun eh. Di ko na maalala masyado pero ang alam ko? Makapangyarihan ang anak ng Reyna. Hindi lang basta basta ang batang 'yun. Nakatakda siyang mamuno sa boung wolland."

"Nasaan na siya?"

"Ang sabi ang iba. Patay na raw pero sabi ni Kuya Yuan, hindi."

"Yuan?"

"Oo. Naalala ko pa noon, ayaw niya sumali sa mga laro namin dahil kalaro niya ang prinsesa."

"Ganoon? Pero bakit wala siya dito?"

"Nagkaroon ng kaguluhan. Naniniwala sila na anak ng Diyablo ang prinsesa kaya nais nilang mamatay ito." bigla kong nakita ang lungkot sa mga mata nito. "Pareho nga kami ng kalagayan eh. Ang kaso, tinago siya. Ako? Lantad sa mga wolland na bunga ako ng pagkakamali ng mga royalties. Lantad ang pagdisgusto sa akin ng boung black at Brown wolf."

Natahimik ako sa sinabi nito. Bahagya akong naawa kay Yunho kasi bakit niya nararanasan ang ganitong paghihirap.

"Yun—"

"ayos lang. Sanay na ko Yumi." saad nito at niligpit na ang pagkain kaya sinama ko nalang din ang akin.

"Mauuna na ko." saad nito at akmang aalis ng makita namin sa pintuan ang royalties. Hawak ni Yuan si Yesha sa baywang. Nasa harapan sila kaya kitang kita sila.

"Everyone! We have a great news!" Sigaw ni Yvan na nasa tabi ni Yesha.  Umupo si Yunho sa upuan at hinintay ang sasabihin ni Yvan.

"My sister here!  YESHA GREY is bound to marry the first Prince if black district! YUAN BLACK!" Nakarinig ako ng pagsinghap sa paligid at mga palakpakan sa galak na salungat sa akin. Naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko na hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako kay Yunho na nakakuyom ang kamao at ilang sandali pa ay tumayo ito at umalis.

THE GOLDEN WOLFWhere stories live. Discover now