CHAPTER 6

214 7 0
                                    


KINABUKASAN ay wala na si Ynna nang magising kami siguro nasa dorm na ng royalties kaya kaming dalawa na lang ni Yesha ang naglalakad.

"Anong nangyari kahapon Yumi" biglang tanong ni Yesha.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at kumakain ng tanghalian. Wala si Yunho boung umaga kaya talagang solo kami. Walang asungot na nakabuntot kay Yesha.

"Bakit di pala pumasok si Yunho?" tanong ko rito para di na siya magtanong at maiba na ang usapan.

Narinig ang pagbuntong hininga nito bago muling nagsalita. "Baka pinahirapan na naman ni Yamara. Alam mo hindi ko  talaga gusto ang ugali ni Yamara. Palibhasa spoiled ng kaniyang magulang. Ikaw ba nasaan ang magulang mo?" Napatigil ako sa pagkain at napalunok ng mapatingin sa kaniya. Hindi ko alam ang isasagot dahil maski ako ay hindi ko alam.

"Wag mo nang sagutin" ngiwing saad ni Yesha kaya ngumiti nalamang ako.

"Oo nga pala, hahanapin ko na lang muna si Yunho. Maiwan na kita." saad ni Yesha at agad na umalis kaya nang matapos na ako sa pagkain ay umalis na rin ako. Wala na kaming klase kaya pauwi na sana ako sa dorm ng may magbato sakin ng malagkit na bagay kaya napalingon ako pero sa dami nila hindi ko alam kung kanino galing.

"Yan ang bagay sa 'yo. Inagaw mo si Prince Yuan."

"masyado kang mapapel bago ka palang."

"Deserve"

"Malandi..kebago bago epal!"

"Piling maganda!"

"kala mo kagandahan."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa paligid habang ako ay nakatayo sa gitna at nakatingin sa mga eggshell na nasa semento. Ramdam ko ang bawat paghampas ng itlog na binabato nila at ang lagkit ng itlog na dumikit sa balat ko. Sa tagal ko sa mundo ng mga tao, hindi ako nakaranas ng ganto. Kahit inaapi ako ni Tita Stella pero walang ibang taong nakaapi sa akin.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagtahimik ng paligid at paghawak ng isang lalaki sa kamay ko at hinila ako palayo sa mga estudyante. Rinig ko ang pagsinghapan ng ilang estudyante pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin dahil ang focus ko ay nasa lalaking may hawak ng kamay ko.

"MAGPALIT KA!" nakasimangot na saad sa akin ng lalaking humila sa akin. "Bakit ba nila ginagawa yun?" dagdag na tanong nito at bakas ang pag-aalala sa mukha.

Hindi ko sinagot ang tanong nito dahil kahit ako ay hindi ko rin alam. Tumingin na lamang ako sa paligid. Dinala ako nito sa Dorm nila. Higit na mas maganda ang dorm nila kesa sa amin marahil dahil sa royalties sila.

'ako kaya? royalties din? Sabi ni tito hari si ama. Pero saang distrito?'

Kung sakali bang hindi ako nawalay sa kanila? Matatamasa ko rin ba ang karangyaan na natatamasa ni Yuan, Ynna, Yamara, Yvren, Yvan at Yesha?

"Yumi!" Sigaw nito kaya napabalik ako sa realidad. "Maglinis ka na." saad nito at may binigay saking damit na agad ko namang kinuha.

Tinuro nito ang pinto sa gilid kaya pumasok ako doon. Grabe ang laki ng CR nila. May bath tub pa. Kasing laki na ata ng silid ko ang CR nila. Ang unfair naman talaga ng mundo.  Hindi ko napansin na medyo napatagal na ako sa sobrang kakamangha kaya ng marealize na masyado na ako nagtatagal ay Napailing na lamang ako at nagpalit ng damit. Saka ko lamang napansin na may tatak ang tshirt na binigay niya sa kin.

'Prince W'

"meryenda ka muna" saad nito bago ituro ang lamesa na may mga pagkain kaya umupo ako sa upuan.

"Salamat Yvren." ngumiti ito at umupo rin sa tapat ko.

"Ano ba nangyari at binubully ka ng mga wolf?"

"H-hindi ko alam" saad ko at nag-iwas ng tingin. Tumingin ako sa plato at nakita yung ampalaya na may kamatis. Bigla bumalik ang ala-ala ko kay Ina.

"Inay? Bakit po walang itlog ang ampalaya mo?" tumawa ito at sinandok ang kanin bago inabot sakin.

"Kasi nawawala ang pait anak." saad nito at ngumiti.

***

"Yumi?" napaangat ako ng tingin sa kaniya ng magsalita siya. "Hindi ka ba kumakain niyan?" takang tanong nito at akmang aalisin na ang plato ng hinawakan ko ito sa kamay.

Gulat!

Yan ang makikita sa mata namin ng magtama ang mata namin. Nanlalaki ang mata ko na alam kong katulad ng sa kaniya at hindi ko alam kung bakit parang nakita ko na ang mga mata nito noon.

"Ynna!" Sabay kaming napalingon kay Yamara ng sumigaw ito at tila nagising kami sa realidad. Sunod naman ay sabay kaming muling napalingon  sa pinto. Nandoon nakatayo si Yamara at Yvan. Napatayo ako pero agad na lumapit si Yvan at muli akong pinaupo.

"nagluto pala ang mahal na prinsepe ng puting Lobo, Pakain ha!" saad ni Yvan at tumawa. Hindi ko ito pinapansin dahil ang iniisip ko ay si Ynna.

"I have to go." Biglang saad ni Yvren at pumunta sa direction na pinuntahan ni Ynna.

"Mukhang may suyuan na mangyayari. Tsk tsk tsk. Hindi pa kasi umamin" saad ni Yvan kaya napalingon ako dito. Ngumiti ito sakin at nginuso ang pagkain.

"Kumain ka na, alam mo ba na specialty to ng mga White wolves. Ang reyna ang mahilig magluto nito." Nagulat ako at napatingin sa pagkain.

'Si Ina?'

"Maaari ko bang makita ang Reyna?" kumunot ang noo nito at tumawa bago umiling.

"Hindi maaari dahil ordinaryong lobo ka lang." napatingin ako kay Yamara nang magsalita ito. Nakatayo pa rin ito sa pinto at nakacross arm.

"Stop playing. Ginugulo mo ang mga Royalties. Stay away from us dahil hindi ka katulad namin. Mapapahamak ka lang." mahabang litanya nito bago umalis.

"That was so rude" saad ni Yvan bago ngumiti. Makikita ang pagkislap ng mga nito kaya napangisi ako.

"You like her"

"Sobra" nakangiti pa ring sabi nito at tila nagpapantasya pero agad lumingon sakin na nanlalaki ang mata. "s-sobra niyang kapangitan? Tingin mo magugustuhan ng tulad ko? Makisig at gwapo!" mabilis na paliwanag nito kaya hindi ko na lamang ito pinansin at kumain na lamang.

"Hey!" pagtawag nito pero hindi  ko pinansin. Denial pala ang mga prinsepe. Si yuan kaya denial din? Pero sana hindi..i can't Imagine.

THE GOLDEN WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon