Parallel Love: SYNOPSIS

22 4 1
                                    

Ang mundong ito ay napupuno ng hiwaga. Mga hiwagang nananatiling teorya sa isip ng tao at mananatiling ganoon. Mga misteryosong pangyayari sa totoong buhay na hindi malapatan ng saktong sagot kahit ng mga henyong tao.

Maraming tanong ang isang bata. Mga tanong na masasagot ng mga matatanda. Pero may isang tanong na kahit ang isang propesyonal ay hindi masasagot. Tayo lang ba ang nabubuhay sa unibersong ito?

Ang tanong na iyan ay hindi lang bata ang nahihiwagaan. Pati na ako. Tayo nga lang ba? Sa lawak at laki ng uniberso...tayo lang ba talaga?

Hanggang ngayon ay wala pang pruweba at eksplenasyon sa mga bagay bagay na napaka komplikado. Ngunit ang tanong na iyon ay buhay na buhay pa sa isipan ng ibang tao. Mananatili na nga lang ba itong isang malaking tanong?

May mga bagay talaga sa mundo na binabalewala na lang kaysa gumawa ng kaguluhan sa pinaniniwalaan ng mga tao. Sapat na kung ano ang mayroon tayo sa ngayon. Isang makulay at magandang mundo.

Ngunit isa ako sa mga taong makulay rin ang isipan. Nais ko ring libangin ang aking sarili sa mga kasiya-siyang haka haka na aking nababasa at naririnig dahil malaki ang interes ko sa ganitong bagay. Mga bagay na walang tukmang kasagutan.


Paano kung sa isang iglap lang...nagising kang nasa mundong hindi maipaliwanag? Sa isang mundong kahit ang isang matanda ay walang sagot. Sa isang mundong kahit sa isang segundo ay hindi man lang pumasok sa iyong isip na totoo ang ganitong mga bagay.


Pipiliin mo pa rin bang umalis kung may dahilan pala ang pagkakapadpad mo sa mundong iyon? Mas pipiliin mo pa rin bang talikuran ang dahilan na 'yon kahit marami ang masasaktan, para lang magising ka sa kabaliwang iyon? Mas pipiliin mo pa rin bang umalis kung malalaman mong may mga taong palang matagal ka nang hinihintay? Mas pipiliin mo bang tumalikod at magwalang-bahala kahit may isang taong dumanas ng kawalang hustisya dahil sa'yo nang hindi mo namamalayan?


Ang Parallel Love ay sasagutin ang mga tanong na iyon.





V

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now